20 ˎˊ˗

1.7K 143 36
                                    

- NI-KI's

Sabi ko na dapat hindi ko nalang siya binantayan sa library kanina. Naabutan tuloy ako.

"Niki, pwede ba ako sumabay sayo sa pag-uwi? Kanina pa kasi may sumusunod sa akin eh." Lumingon ako sa likod, and there, nakita ko si Eiko na tumago sa likod ng poste.

Nauna ako kay Izzy lumabas ng library kanina kasi akala ko nakauwi na si Eiko and the reason why binantayan ko siya kasi wala,, ang weird ni Eiko, para siyang tangang tingin ng tingin kay Izzy lalo na sa legs niya habang natutulog sa library.

Apakamanyak talaga ng loko. Bukas makakatakim talaga siya sa akin.

-

- IZZY's

Tahimik lang kaming dalawa ni Niki habang naglalakad. Medyo malapit na ang bahay namin.

"Niki, nagtatampo ka ba sa akin?" Lakas-loob kong tanong sa kanya. Tumingin lang siya sa akin pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad, "Bati na tayo, please."

"Hindi naman tayo nag-away para magbati tayo." Ang cold talaga ng pagkakasabi niya.

"Pero ang cold mo sa akin." Hindi ulit siya nagsalita.

"Niki, alam mo ba? Tuluyan nang naghiwalay sila Mama at Papa kahapon lang." Kwento ko sa kanya kahit alam kong wala siyang pake. "Pinapapili nila ako kung saan ako sasama."

"Babalik si Papa sa Korea next month. Si Mama naman, natanggap na siya sa trabaho niya sa Korea," Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. "Alam mo ba kung sino pinili ko?"

Binaling ko ang tingin kay Niki, nakatingin din pala siya sa akin.

"Wala, wala kong pinili sa kanila kasi gusto ko kay Lola magstay." Pagpapatuloy ko. "Sinabi ko kila Papa na gusto ko manatili dito pero ayaw nila kasi baka di nanaman ako magtino, hindi kasi ako nagsipag sa Korea nun eh, kaso sinabi ko na mag-aaral na ako ng mabuti, nangako ako na gagawin ko ang lahat para manguna sa klase."

"Kaya nagsisipag talaga ako ngayon kahit ang tamad-tamad ko mag-aral.." Kwento ko pa. "Alam mo ba kung bakit ko piniling magstay dito?"

Umiling si Niki kaya napangiti ako. Ang cute niya kasi.

"Para makabawi sayo.." Tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba talaga naman.

"Gusto kong makabawi sayo kaya bati na tayo, please?" Tumingin siya sa kung saan bago ulit tumingin sa akin at ngumiti na para bang may binabalak.

"Habulin mo muna ako." Sabay takbo ng napakabilis. Napanganga nalang ako sa ginawa niya.

"Yah! Teka lang! Niki!!" Tumakbo na rin ako para habulin siya.

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon