Kabanata 32

7 8 0
                                    

32: Sumpa


"VERONICA?"

Natigil sa pagpupulong ang mga hukom sa pagpasok niya sa bulwagan ng palasiyo ng hukuman.

"Bakit narito ang reyna?" Nagugulat na tumayo ang lahat ng lumuhod si Veronica sa harap nilang lahat. Napasinghap ng ibang mga hukom habang nakaupo lang si Franzia sa kanyang trono.

"Huwag kang lumuhod." Makapangyarihang utos ng pangalawang hukom. Ngunit narinig nila ang nagsusumamo niyang boses.

"Hindi ko na kaya."

"Ano ba?!" Galit na sigaw ng pangalawang hukom. "Anak ka ng Diyosa Aizer! Isang kang Goddess! Wala kang hindi kayang gawin!"

Mariing napaiyak si Veronica. Alam niyang kaya niya ang lahat. Ngunit sa puntong ito ay hindi na niya kaya.

Parang laging dinudurong ang puso niya sa tuwing maaalala niya si James. Laging si James ang nagpapasaya sa araw niya na siya ring magpapalungkot sa gabi niya.

Parang laging pinipisil ang puso niya sa tuwing maaalala niya ang boses ni James. Ang ganda ng awitin nitong handog sa kanya sa tuwing naglalatag sila ng tela sa ilalim ng puno sa tabi ng bangin habang nakatingala sa kalawakang puno ng mga bituin.

"Mahal na reyna, anong nagyayari sa iyo?"

"Nagmamahal ako." Sapat na upang marinig ng lahat ng hukom. Tahimik lang si Franzia. Kusang pumasok sa isip niya ang mga salitang bibitawan pa ng reyna. Pinilit niyang maging matatag at hayaang sumaya ang naging pangalawang Ina niya.

Hindi makapaniwala ang iba pang hukom sa kanilang narinig. Hindi na bagong sabihin ng mga nagdaang reyna na sila ay umiibig ngunit ang pag-ibig na dumadaloy sa ugat ng puso ng kasalukuyang reyna at ng taong iyon ay siyang papatay sa kanilang dalawa.

Ang kamandang ng bawal na pag-ibig ay dumadaloy na ngayon sa binata. Unti-unti nitong pinanghihina ang puso nito.

Gayon din ang reyna. Maswerte lamang siya dahil isa aiuang diyosa. Hindi agad kumalat ang kamandag niyo o ang sumpa ngunit habang tumatagal ay lalong lalala.

"Anong gusto mong gawin namin?" Usisa ng ikalimang hukom.

Nabuhayan ng kahit papaanong pag-asa si Veronica. Umiling ng palihim ang hukom ng mga bampira. Hindi makatarungan ang mga sasambitin ni Veronica. Alam iyon ni Franzia ngunit hinayaan niya para sa Ina niya.

'Hindi ba't parang hindi ito makatarungan?' Tanong ni Eros sa katabi nitong si Nyth.

'Sadyang mahal lang talaga niya ang binata, Eros.' Sabat ni Athena.

'Kahit ikaw Nyth, kung magkakaroon ka ng sinta ay gagawin mo ang lahat makapiling mo lamang siya.'

'Kagaya ng ginawa mo kay Hades?' Nanunuksong bulong ni Nyth sa kanya. Umiling lang si Athena sa kapwa niya mga diyos at diyosa.

Hinihintay nilang muling magsalita si Veronica. Nilapitan siya ng ika-anim na hukom at pinatayo siya nito.

"Sana'y ito na ang huli mong pagluhod sa aming mga hukom, mahal na reyna. Ang dapat mo lamang luhuran ay ang maylikha at maylalang ng sanlibutan." Tumango si Veronica.

"Ano nga ulit ang dahilan na iyong pagparito?"

"Bigyan niyo ako ng dalawang taon." Natahimik ang lahat sa kanyang tinuran. Walang nangahas na simulan ang ingay sa ikit ng lamesa. Nakaupo sa kanya-kanyang upuan habang nasa kabilang balwarte si Veronica.

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon