Chapter 20

7.2K 366 119
                                    

Chapter 20

Paalis na ako pero mabilis niya akong inabot. He tightened his grip on my arm, a silent plea for me to stay.

"Let go," I said.

He slowly let go of me and I started to walk away. Malapit na ako sa gate nang muli niyang haklitin ang braso ko at dinala ako sa sasakyan niya. He opened the passenger door and pushed me into the car, shutting the door behind me. Pagod na ang utak ko para makipagtalo, gusto ko na lang magpahinga.

I quickly wiped my tears away before he could get in the car.

Balak kong mag-commute pero walang kasiguraduhan kung may masasakyan pa ako. Malayo ang terminal ng tricycle rito sa bahay ni Aegeus.

No one tried to speak even when we arrived already at my house. Bumaba agad ako ng sasakyan at iniwan siya. Diretso akong pumasok sa loob at ini-lock ang pinto.

I felt like my heart was going to explode. Umakyat ako sa kwarto at pabagsak na umupo sa kama. Tinakpan ko ang mukha ng mga palad, hindi makalimutan ang mukha niya na humihingi ng sorry.

I woke up early to prepare breakfast for the twins. Wala pang dalawang oras ang tulog ko pero wala akong choice kundi kumilos.

Ramdam ko na may pumasok dito sa kusina kaya tiningnan ko kung sino. Si Mama.

Kunot-noong tumutok ang tingin niya sa akin. "Anong oras ka umuwi kagabi?"

Lumapit siya sa kitchen cabinet at kumuha ng cup para sa tsaa niya.

"Past 12 po."

Narinig namin ang ingay ng kambal kaya lumingon kami sa entrada ng kusina. Antok na antok pa ang mukha ni Halona at sa likod niya ay ang Kuya niya na nakahawak sa magkabila niyang balikat, inaalalayan siya paglakad.

Cute.

Lumapit sa akin si Halona at sinenyasan ako na pantayan siya. She cupped my face and frowned.

"Did you cry last night, Mommy?"

Sinulyapan ko si Mama na napatigil sa pag-upo. Nakatayo pa rin si Rainer sa may tapat ni Mama at naghalukipkip. His eyes were like dark chocolate, watching me.

"Nope," I said and gently pinched her rosy cheek. Haharapin ko na sana muli ang niluluto ko pero hinawakan niya ako sa braso.

"Then why are your eyes puffy? Don't tell me you didn't sleep?"

I laughed and slowly nodded my head. "I finished something last night."

Doon niya ako binitawan pero hindi pa rin nawawala sa mga mata niya ang curiosity. Hinarap ko na ang lutuin at mariing napapikit.

Pagkatapos ng agahan ay umuwi na rin si Mama. May aasikasuhin din kasi siya sa bahay at babalik na lang dito bago ako pumasok sa trabaho.

Papunta sa SIS ay antok na antok pa rin si Halona sa passenger seat, si Rainer naman ay lantad ang panonood sa akin.

I glanced at him in the rearview mirror. "Is there something wrong, Rainer?"

He shook his head, averting his gaze from me.

"Come on. What is it?"

"It's not the right time to ask you questions, Mommy. Let's talk about it on the weekend."

Hindi na ako nagsalita dahil sa pinalidad sa boses ng anak ko. Pagkahatid ko sa kanila sa SIS ay umuwi na rin ako.

My mind was completely occupied.

Si Rogue at Rainer. They had a lot of similarities from physical appearance to attitude. Sana lang paglaki niya ay hindi siya matulad sa daddy niya.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon