Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko

730 28 101
                                    

Napatawa na rin ng bahagya si Ybrahim ng makita nya na masaya ang mga pinakamamahal nya. Nang humupa ang tawanan ng lahat nagsalita si Ybrahim.


Ybrahim: Ngayon lamang ito nangyari sa atin, at sanay ganito na lamang tayo kasaya palagi.*smiles*

Lira: Oo nga po itay, sana ganito nalang po tayo lagi noh? Yung magkakasama at laging masaya, kung pwede ko nga lang magic-in yung mga war freak na yun dito sa Encantadia, nako matagal ko na ginawa, nakaka imbyerna kasi sila.

Cassandra: oo nga po ina, gigil nila ako. Lalong lalo na yung ice lola na yun, sarap ibabad sa tubig ng matunaw! Ginawa pa akong dakilang punching bag ng matandang yun, lalagariin ko na sana yung korona nya kaso naalala kong wala palang lagari dito.*crossed arms*

Amihan: Hindi mo pa dapat iniisip yung mga problema namin dito sa Encantadia apo, pagkat ang iyong sarili muna ang iyong dapat pagtuunan ng pansin at ang iyong pagiging bata. Sa ngayon kami muna ng iyong ina at Ilo ang bahala doon.*smiles then pats Cassandra's head*

Cassandra: Alam mo po Ila, inay, Ilo, gusto ko na nga pong tumanda agad.

Ybrahim: Bakit mo naman nais ng tumanda apo, ayaw mo bang sulitin ang iyong pagkabata?

Cassandra: Gusto naman po, Ilo. Kaso nga lang hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong kapangyarihan ko bukod po sa maglaho. Ang aastig po kasi ng mga powers nyo eh, kagaya nyo Ila Amihan, dahil naikwento po sa amin ni nunong Imaw na kaya mo raw utusan ang hangin at ilipad ka nito kung saan mo nais, at ikaw naman po inay ang dami mong kayang gawin. Gusto ko na pong magkapowers para po makatulong na ako sa inyong ipagtanggol ang Encantadia, at maipagtanggol ko si inay kasi mamaya shushunga shunga pa po kasi sya dahil di nya papo kayang gamitin ang mga powers nya dahil memory gap is real.*laughs*

Lira: Ay grabe sya oh, okay na eh nafifeel ko na yung concern mo sa akin kaso nawala nung narinig ko yung shushunga shunga.*crossed her arms*

Cassandra: Eh inay, kahit naman po ganyan ka love na love pa rin po kita kahit anong mangyari.*hugs Lira*

Amihan: Apo, alam kong nais mo lamang tumulong sa amin ngunit huwag mong madaliin ang iyong sarili upang lumabas ang iyong kapangyarihan sapagkat darating rin naman ang takdang panahon upang mangyari iyan.

Ybrahim: Tama ang iyong Ila, apo. At kapag nangyari iyon, natitiyak kong magiging isang makapangyarihang Diwata ka rin na magtatayong muli ng bandera ng kapayapaan at kaayusan dito sa Encantadia. Magiging malaya rin ito at wala ng magaganap na gulo at digmaan, at kasama ang lahat ng nais bumuo ng katahimikan dito.*smiles*

Cassandra: Susubukan ko po, Ilo, Ila. Pero sana all po kasi matiyagang maghintay.*scratches her head*

Ybrahim:*di not understand* S-sana o-ll?

Lira: Anak, mukhang hindi mo pa yata na-update yung "Makatao Dictionary" nila.*laughs*

Cassandra: Ikaw kasi Ilo, lagi kang abala kaya hindi na tuloy kita na tututor ng madalas. Anyways, sinasabi po kasi ng mga tao ito kapag kunwari gusto nila yung meron kayo, o di kaya humihiling na sana lahat ganern. Halimbawa, sana all talaga may powers.*frowns*

Lira: Maliwanag po ba class?*laughs* Charooott!

Tinawanan lamang nina Amihan at Ybrahim ang kakulitan ng dalawang mag-ina, maya-maya ay humikab na si Cassandra at nakaramdam na ng antok.

Cassandra:*yawns*

Amihan:*laughs* Siguro kailangan na nating lahat magpahinga, masyado na ring malalim ang gabi.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon