Chapter Nineteen

170K 7K 4K
                                    

I look like hell.

I sighed and stared at the ceiling. Kanina pa tumutunog ang phone ko sa bedside table ngunit hindi sinasagot.

Kakagising ko lang but I feel so drained already, pinagod ko ang sarili ko ng ilang araw sa shooting. Kahapon ang last shoot ng movie namin ni Castor. Tinanggap ko kaagad ang susunod na political action movie na gaganapan ko without reading the whole script, gusto kong pagurin ang sarili ko, I want to distract myself from thinking about him... about them. I'm keeping myself busy just to avoid them.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang bumalik si Jaze, ilang araw na rin akong umiiwas sa kanya. Sa totoo lang, nauubusan na ako ng excuses para hindi kami mag-usap. Nagpupumilit siya na kausapin ako. Sa totoo lang, nako-konsensya na ako dahil sa pag-iwas ko sa kanya. But what can I do? I can't face her right now. Hindi ko alam kung bakit, nakokonsensya ba ako? Nagi-guilty ba ako sa ginawa namin ni Zak behind her back? O baka naman nasasaktan ako dahil nasa kanya na ulit si Zakarius?

Hindi ko na alam.

Halos isang oras din ang nakalipas bago ako nagkaroon ng lakas na bumangon at kuhanin ang phone ko saka sagutin ang tawag. I didn't bother to look at the caller ID, basta ko na lang sinagot ang tawag.

“Hello,” I murmured.

“Angel, are you sure okay lang sa 'yo na simulan kaagad ang shooting? Kakatapos mo lang sa movie niyo ni Castor, you should take a rest. Hindi ka robot,” tila nag-aalalang sabi ni Cassian. Napairap na lang ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

I look like a worned out bitch right now, wala akong make up kaya kitang kita kung gaano ako kapagod at kapuyat.

“Kailan ka pa naging concerned sa well-being ko?” nakataas-kilay na tanong ko.

“I'm not concerned to your well-being 'no. Baka himatayin ka pa sa set at ako pa ang sisihin ng fans mo, tuktukan kita riyan, e. Saka alam mo bang--”

I shrugged and instantly ended the call, cutting him off. I don't have energy to listen to his nonsense remarks. I sighed and put my phone on the table. Nagtungo na lang ako sa banyo para maligo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo. Ang daming tumatakbo sa isip ko... Hindi ako mahilig mag-overthink, gusto ko palaging chill lang. But Zakarius fucking came into my life again and ruined my peaceful mind. How can I stop thinking about him? Paano ko ba pipigilan ang sarili ko na mahalin siya?

Napailing na lang ako at lumabas ng banyo saka nagbihis. I wore a puff sleeve top and black skinny jeans, I paired it with my favorite wedge heels. I didn't put much effort on my hair fixed it into a messy bun. I took my sling bag and my car key and left the house.

Hindi na ako nagpapasundo kay Chan, hindi na rin ako nagpapahatid sa kanya pauwi. Palagi akong sinasabihan ni Cassian na h'wag ko raw pagurin si Chan, minsan nga pakiramdam ko wala na 'kong PA. Si Chan naman ay halatang nahihiya paminsan-minsan sa pagiging showy ni Cassian. I admit, they're a cute couple... kung couple na ba talaga sila.

Nakarating din ako sa agency makalipas ang ilang minuto. Script reading lang muna ang magaganap ngayon, na-pirmahan ko na ang movie contract kahapon. Hindi ko na binasa ng buo ang contract dahil wala ako sa mood, pinagkatiwalaan ko na lang dahil sabi ni Cassian magiging hit daw 'yon. Bahala na.

“My dear, Angel!”

Napairap na lang ako nang bumungad sa 'kin si Castor pagpasok ko sa building. Inakbayan niya ako saka kinurot ang ilong ko.

“My, my, you look like hell again. Baka naman isang oras ka lang natulog,” nakangiwing sabi niya pa.

“Hey, I still look pretty,” I murmured and touched my right cheek. Nakita ko naman sa salamin na maganda pa rin ako kahit mukha akong bangag, natakpan naman ng make up.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon