Aso't Pusa

22 0 0
                                    


Sinadya kong gumising ng maaga, para sana hindi na ako ihatid pa ni Nick. Nag inuman na naman kasi sila ng mga kaibigan niya at tulad ng dati maaga ako natutulog dahil bawal sa akin ang usok at alak.

Hindi ako umiinom pero siya ay parang tubig na lang ang alak. Hindi ko nga alam paano kami nagtagal ng 4 na taon kung marami naman kaming hindi pagkakapareho.

Dahan dahan akong bumangon sa kama, katabi namin ang mga pamangkin niya sa pag tulog. Mabilisang ligo at make up makakaalis na ako. Buti na lang at ang sarap pa rin ng tulog niya.

Gusto ko sana siya halikan bago ko umalis pero baka magising pa, kaya minabuti ko na lang mag iwan ng sticky notes sakanya. Idinikit ko sa lamp shade at saka umalis.

Habang papunta na palabas ng gate hindi ko maiwasan hindi lumingon sa likuran ko. Umaasa ko na magigising siya at hahabulin ako haha pero wala talaga kahit ano pang bagal ang ginawa ko.

Buti na lang may naupuan agad ako sa loob ng bus. Kung kylan naman nakaalis na ako saka pa siya nagising. "Babe, bakit hindi mo naman ako ginising :( sana naihatid pa kita.. salamat sa notes mo iloveyousomuch ingat ka po ha. asan ka na ba yan?"

Haaaays ano ba yan bakit ganun kakasama niyo lang pero namimiss mo agad siya.. yun ganun pakiramdam ang nararamdaman ko habang katext ko siya at nakaupo mag isa sa upuan ng bus.

After ng kasal ng kaibigan ko, naisipan ko dumaan sa mall. hinanap ko yung jacket na gusto sana bilhin ni Nick. nakailan beses na ikot na ako sa Dept. store pero wala pa rin ako makita na katulad ng nakita namin. Nawalan na ako ng pag asa hanggang sa nadaanan ko un SALE na nakalagay sinubukan ko pumasok at tumingin tingin.

Muntik ko na maapakan un Jacket pag dampot ko nagulat ako kasi ayun un jacket na gusto niya. nag tanong agad ako sa sales lady, sinabi nya last item na lang daw yun. laking tuwa ko at sakto medium ang size.

Pag balik ko sakanila kinabukasan, nadatnan ko na naman siya na tulog eh tanghalin tapat na ha..
Nilagay ko daliri ko sa ilong nya habang hinihimas himas ko ito. Babe gising na .. anong oras na oh.. lambing ko.

Maya-Maya pa ay dumilat na siya at nakangiti sakin. "kanina ka pa?"

Hindi naman kakarating ko lang, tara na kaen na tayo late na lunch mo. sinabi ko ng nasibi ang labi ko. Saka niya ako hinalikan ng madamingbsmacks sa labi.

Pagka tapos ko mag hugas pag akyat ko natutulog na naman siya! Nakakatampo naman ... hindi na kami nakakapag bonding kakatulog niya !

Hindi na ako nakapag pigil kaya ginising ko na siya. Puro ka na lang tulog.. Medyo masungit bungad ng mukha niya sakin. wala siya sinabi.

Hindi ko na talaga mapigilan. Ano ba ! uuwi na lang ako at matulog ka na lang dyan !

"Ano ba un natutulog ka din naman kanina ha kaya natulog ako" sabi niya ng nakasimangot.

Hindi ako natutulog ! hinihintay ko lang na kausapin o lambingin mo ko ! panay kasi puyat mo ! pwede naman makipag inuman ng hindi aabutin ng umaga !kaya wala ka na oras sakin! pasigaw na sabi ko.

"Anong ginagawa mo? uuwi ka? edi umuwimka" medyo pasigaw na sabi niya.

Oo ! uuwi na talaga ako! nakakabwiset ka na ! pinag babalik ko mga binigay niya sakin.

"Ano yan??". Edi binabalik ko na sayo lahat ng ito. "okay sige iuwi mo na rin lahat ng mga iyan" sabay hagis sa mga bigay ko din sakanya.

Sabay hagis ng jacket sakanya. Pati yan !

Nagulat siya, nag bago aura ng mukha nya sabay hila sa kamay konat niyakap ako.

"Binili mo ito sakin? kylan kahapon? Paano ?? i Love You Babe Sorry na.. please .. sorry huwag na tayo mag away. ibalik mo na yan."

Napangiti na lang ako pakipot pa ba ako ? sabay hampas sa mukha nya ng damit at hinalikan siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon