Kabanata 1

6 2 0
                                    

"Liv! Come on! Beat me up!" I shouted at my sister who's already walking with the rope on her right hand.

Sa kahabaan ng aming bakasyon dito sa Romblon ay hindi ako ni minsan natalo ng aking kapatid. We're always having a race here in our field every afternoon, kung kailan nakababa na ang haring araw.

"You're good at this Lean, pano kita matatalo?" Wala sa sarili niyang sabi habang tinatali ang kanyang sariling kabayo sa puno na nasa aking kanang bahagi.

"You're grumpier than me kasi." Tawa ko. "I've always invite you to at least practice how to maneuver a horse but you are always at your book. Kulang nalang asawahin mo yang libro." Sinadya kong hindi iparinig sa kanya ang huling salita pero dahil malapit lang siya sa akin ay narinig niya ito.

"I would rather read books than waste my time entertaining boys." She scoffed. This nerd really? At pinagdiinan pa talaga niya ang gawain ko kesa sa pagbabasa ng mga libro?

I roll my eyes. "You are pretty naman kasi eh. Pero tinatago mo diyan sa makapal mong salamin." I even pinch her check to make her annoy even more pero hinawi niya ang kamay ko.

"Stop it. Lean." And now she's serious. 'Tong babaeng to pinanganak atang walang kasweetan sa katawan. Pinaglihi ba siya ni Mommy sa asin?

"And I always wonder. You're enjoying our stay here and going to another province seems so hard to you. This is a province too so why having a second thought going to another province?"

Tinawanan ko ang kanyang pamimilit sa akin. "Liv, I didn't see La Union as one of my travel spot. You know, I can stay here and you got to go with Mom and Dad!"

Umiling siya sa aking sagot. I saw a disappointment in her face. Na parang ang sinabi kong dahilan is ridiculous!

"You know Mom and Dad won't allow that." Maikli niyang sagot at nauna nang maglakad.

Hinabol ko siya habang tumatawa. Totoo ngang ayaw kong pumunta sa probinsyang iyon pero hindi naman ako magrerebelde kung pipilitin nila akong sumama. Tutal ay bakasyon lang naman ang pupuntahan namin doon. I won't mind. I am just pissing off this nerd.

"I have an idea Liv! Lumayas nalang kaya tayo?" Hinarap niya ako at inirapan. I giggled at her reaction. Look at this nerd. Kung makapagtaas ng kilay sa akin ay parang siya pa ang Ate dito.

"Hindi ako pumapatol sa ideya ng mga baliw." Then she walk out. Natulala ako sa sinabi niya. Baliw? Sino? Ako?!

Pumasok na siya sa loob ng bulwagan ng mansion. Ang kanyang botang ginamit kanina ay hindi niya tinanggal pagkapasok kaya ang putik na galing sa field ay nagmamarka sa aming puting sahig.

Hustong papasok na ako ay siya namang pagdating nila Mommy at Daddy.

"Oh ija! Where is Olivia?" Takhang tanong ni Mommy. Everytime she sees me, nagtatanong kung nasaan si Liv. Nakasanayan na sigurong lagi niya kaming nakikitang magkasama.

Madrama akong ngumuso at kunwari'y maiiyak na. "Nasa loob po Mom. Nagtatampo yata sa akin." Bahagya kong nilakasan ang aking boses dahil alam kong naririnig niya iyon.

She's in the kitchen. Nakita ko siyang dumiretso doon kanina.

Kumunot ang noo ni Mommy sa sinabi ko. Tila ba napakabanyaga ng salitang aking sinabi. Nga naman, ako ang laging nagtatampo kay Liv kahit ako ang may kasalanan. And she would always say sorry to me kahit ako naman talaga ang nauna. Ngayong sinasabi kong nagtatampo siya sa akin ay tila bagong bago sa pandinig ng aking ina.

"Are you sure na siya ang nagtatampo?" My Mom asked in an amused tone. Na tila ba ang pagtatampo sa akin ng aking kapatid ay katawa-tawa.

Sumungaw ang ulo ni Liv mula sa kusina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 The Night That Change Everything (Elyu Series #1)Where stories live. Discover now