Chapter Twenty-Two

168K 6.2K 2.2K
                                    

Siguro nga kailangan kong lumayo. Everything is suffocating me, I want to breathe, I want to be alone, and I want to escape from all of the pain. I think I deserve to take a rest too, because I can't take all of this anymore.

“Where do you want to go?”

Napalingon ako kay Castor na abala sa pagmamaneho. We didn't bring anything with us, except his car, our phone, and our wallet. Bukod do'n, sarili na lang namin ang bitbit namin. Siguro ay naging padalos-dalos kami, pero ayaw ko ng magtagal pa sa lugar na pinanggalingan namin... Gusto ko sa lugar na tahimik, sa lugar na walang nakakakilala sa 'min.

“Anywhere, Castor. Basta tahimik, kaunti lang ang tao, at walang makakakilala sa 'kin,” bulong ko saka muling tumingin sa bintana.

“Okay, you're the boss, vixen,” he murmured and continued driving.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero sasama na lang ako sa kanya kahit saan basta malayo sa lahat, basta makahinga ako nang ayos, basta matahimik ulit ang isip ko sa lahat.

I froze when Castor held my hand and gently squeezed it. I looked at him, he remained looking at the road while driving. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya na hawakan ang kamay ko.

Nanatili akong tahimik sa biyahe. Ilang oras din ang tinagal no'n, hindi ko alam kung ilang beses akong nakatulog sa biyahe, patuloy ang pag-andar ng oras, pero hindi nagrereklamo si Castor, alam kong napapagod na siya at inaantok dahil ilang oras na siyang nagmamaneho.

“Nagugutom ka ba?” tanong ni Castor saka sumulyap sa 'kin.

“Wala akong gana,” sagot ko na lang saka tipid na ngumiti sa kanya.

“Okay, don't hesitate to tell me if you're hungry,” he murmured.

Hindi na lang ako nagsalita at ipinikit ang mga mata ko. Kakagising ko lang pero gusto ko na namang matulog, ganito talaga siguro kapag mentally drained. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.

I lost track of time, I don't know where the hell are we, I trust Castor... I know he won't take me to some creepy place or what.

“Angel, wake up.”

I slowly opened my eyes, guwapong mukha ni Castor ang bumungad sa 'kin. Kinusot ko ang mga mata ko at nag-unat ng katawan. Castor stroked my hair with his gentle fingers and wiped my cheeks. My eyes widened when I realized what he just wiped. I gasped and covered my mouth with my hands.

“M-may panis na laway ba ako?” nauutal na tanong ko. Castor chuckled, he didn't answer my question and unbuckled my seatbelt.

Agad siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako palabas at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid, feeling ko nasa maliit na village kami.

“Where are we?” I asked while roaming my eyes around.

Walang masyadong tao, ang tahimik ng lugar at may dagat pa mula sa di kalayuan. Ang lamig ng simoy ng hangin at talagang nakaka-relax, magandang place 'to, magaling pumili si Castor.

“Diba mas maganda kung hindi mo na lang alam? I mean, para kung sakaling tanungin ka nina Cassian, wala kang mai-sagot. You're here to relax and to have peace of mind. Lumayo ka muna sa mga magpapasakit sa ulo mo,” seryosong sabi ni Castor habang matiim na nakatingin sa 'kin.

I crossed my arms, raised my brow, and looked suspiciously at him.

“I think this is low-key kidnapping, Castor Raven.”

Natawa na lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Inakbayan niya rin ako, nagpatianod na lang ako nang magsimula siyang maglakad.

“Well, maybe this is low-key kidnapping, pero malaya ka sa lahat. Ikaw ang masusunod kung kailan tayo babalik sa siyudad. Just like what I said earlier, you're the boss,” he said and chuckled. I just rolled my eyes and nodded.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon