KABANATA 9

6.3K 519 99
                                    

Ligawan

Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa takot na baka hindi na naman niya ako pansinin. Wala akong tulog kagabi sa hindi malamang dahilan.

Sa skwelahan ay naging normal tulad ng mga nagdaang taon ang aking araw. Ngayon ang botohan ng mga gagawing opisyales sa loob ng aming classroom.

Tahimik ako sa gilid na nagmamasid ,minsan nakikitawa sa kanilang tawanan.

May mga na boto na para sa ibang posisyon at ang muse nalang ang hindi pa.

"For our muse... sino ang gustong-"

"Ma'am, si Vicky po!" ani ng kaklase ko. Ngumisi si Vicky at taas noong hinarap ang aming mga kaklase.

"Who else?"

"Ma'am , si Soledad Martinez po!"

Umawang ang labi ko at napaayos ng upo. Natahimik ang kaninang maingay na grupo ng mga kaklase ko.

Umiling ako ngunit ni close na ng isang kaklase ko ang botohan at nakangiti sa akin si Ma'am Consulta.

"Who will vote for Vicky Estimino? Raise your hands.."

Konti ang nagtaas ng kamay sa kanila. Doon pa lang, dinagundong na ang puso ko sa kaba.

Pumalakpak si Ma'am Consulta at.. "Who will vote for Soledad Martinez?"

Napapikit ako dahil halos lahat ng kaklase ko ay tinaas ang kamay. Nang titigan ko si Vicky ay umirap siya sa akin.

Imbes na batiin nila ako tulad sa mga nakikita ko na naboto bilang muse ng mga nagdaang taon ko sa high school ay kanila akong tinawanan.

Nagbulong bulongan sila at sinundan ng mahihinang tawa.

Napakurap kurap ako at tinitigan si Ma'am Consulta.

"Keep quiet! Now... dahil binoto niya si Soledad bilang muse ay hindi ko tatanggapin ang pambubully. Kayo ang nagboto at ibig sabihin responsibilidad niyo ang inyong desisyon. Maliwanag ba ang sinabi ko?"

"Tss.. uling naman yan!" si Vicky.

"Sure ma'am!" segunda ni Jenessa at humalukipkip. Umiwas ako sa kanya dahil baka makakuha rin ako sa kanya ng panunukso.

Nagsimula ang aming klase na may naririnig pa rin akong panunukso sa akin. Binalewala ko nalang iyon at inisip kung paano kaya matutulungan si lolo at lola lalo na't wala nang trabaho si lolo. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pinaalis sa pagiging trabahador sa palayan ng mga Septimo dahil matagal na doong nagtatrabaho si lolo.

Dismis na nang alas tres at palabas na ang mga kaklase ko. Nagtaka ako sa tingin sa akin ni Jenessa.

"Sol!" tawag sakin ni Ma'am Consulta.

"Po ma'am?"

"Arrange the papers please.."

Ngumiti ako at tumango. Lumapit ako doon sa mesa niya habang nag eerase siya ng mga naisulat doon.

"Soledad.." lumapit sa akin si ma'am , pagkatapos niyang burahin ang mga nakasulat sa black board.

"Po?"

"Alam mo masaya ako dahil naging muse ka dito sa room. Hayaan mo nalang ang mga kaklase mo. Importante may mga oppurtunities ka dahil ikaw ang muse! Sa Intramurals! At para maging kilala ka bago mag graduate!"

Saksi noon si Ma'am Consulta at Ma'am Dulla sa nga pambubully sa akin. Palagi ako noon sa principal's office dahil walang araw na hindi ako na bubully ng mga kaklase.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon