Chapter Twenty-Four

180K 6.3K 9.5K
                                    

I won't believe it.

Kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ako maniniwala o bibigay. Baka nag-away lang sila ni Jaze at ako naman ang kailangan niya ngayon, baka naman wala na siyang mapaglaruan.

“Bitiwan mo 'ko!”

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya saka tiningnan siya nang masama. He looked at me with unknown emotion in his eyes, he looks at me as if he's longing or yearning for something.

“What do you take me for? Huh? I'm not stupid, Zak. Just leave me alone! Makita lang kita naiinis na 'ko!”

“Angel...” Akmang lalapit siya ngunit agad akong umatras.

Natigilan na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Zak.

“Ano'ng ginagawa mo rito, direk?”

Ipinwesto ako ni Castor sa likuran niya at siya ang humarap kay Zakarius.

Nagtagisan silang dalawa ng tingin. Natahimik na lang ako at kumapit sa damit ni Castor. Ayaw ko siyang idamay sa problema namin ni Zak pero ayaw ko rin namang kausapin si Zakarius. Pakiramdam ko paiikutin niya lang ako dahil alam niyang mahina ako pagdating sa kanya.

“You have a girlfriend, right? What's her name again? Hmm, Jaze?” Castor asked.

“I don't have anything to explain to you... let her go,” Zakarius said and took a step closer to Castor. Hindi naman natinag si Castor at nakatitig pa rin kay Zak.

“Why the hell are you bothering her? Just let her be, ni hindi mo nga siya kayang panindigan, e. Tapos gusto mo siyang bawiin nang gano'n gano'n na lang? Gago ka talaga 'no?” maangas na sabi ni Castor saka tinulak ang dibdib ni Zak.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko, baka magsuntukan pa ang dalawang 'to. Bakit ba kasi ayaw na lang umalis ni Zakarius? He can't be serious about his confession, I'm certain that he's just bored... Gusto niya lang akong paglaruan.

“Don't mind him, Castor. Let's just go inside, gusto ko ng matulog,” sabi ko na lang at tinalikuran sila saka agad na nagtungo sa loob rest house. Bahala na silang dalawa riyan.

Agad akong dumiretso sa living room, I slumped on the couch and hugged a pillow there.  I took a deep breath and calmed my nerves. My system is in ruckus again. Bakit kasi nagpakita pa ang Zakarius na 'yon?! Nagkakagulo na naman ang sistema ko ng dahil sa kanya.

“I love you... I love you so much, Angel.”

I gulped as my cheeks heated when his confession suddenly popped up in my mind. I buried my face on the pillow to suppress my scream.

No, hindi ako kinikilig. This is just due to my pregnancy, I'm just more emotional than before.

“Angel.”

Napatingin ako kay Castor na naglalakad papalapit sa 'kin. Umupo siya sa gabi ko at hinawakan ang kamay ko.

“Ano ng plano mo? He seems determined to pursue you,” Castor murmured while staring at me.

“Walang plano, Castor. He's just bored, he's not serious about pursuing me. Tungkol sa pagbubuntis ko, sana h'wag mong sabihin sa kanya ang tungkol do'n. Desidido ako na umalis, mahihirapan lang ako kapag nalaman niya ang tungkol dito,” bulong ko at napahawak sa tiyan ko.

Castor sighed and nodded. I want to ask him kung ano na ang nangyari kay Zak, kung nasa labas pa rin ba ang lalaking 'yon o umalis na... Nahihiya lang talaga ako, baka kung ano pa ang isipin niya.

“Ms. Angel Mendoza, hello, Ms. Angel Mendoza. Lumabas ka riyan, Ms. Mendoza. Para 'to sa ekonomiya, please lumabas ka.”

Nagtatakang nagkatinginan kami ni Castor. What the hell is that? Pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon