Chapter 25: Alex Syndrome

402K 10.2K 4K
                                    


ALEXANDER'S POV



"Don't you think it's already time to admit it to your cousin?" Kagaya ng sa mga nakaraang araw ay ito na lamang lagi ang simula ng aming bawat usapan. Naririndi na ako sa katanungang ito ng aking tiyo. Para bang isang sirang plaka na hindi matahi-tahimik.



At kagaya rin ng dati ay pinanatili kong tikom ang aking bibig. Dinampot ko ang baril na malayang nakabalandra sa aking lamesa. Tiningnan ko itong muli sa iba't ibang anggulo tulad din nang madalas kong ginagawa. This pistol is the same object that I used to shot those people in order to keep what happened almost eleven years ago sealed.



In just a blink of an eye, I can still imagine my hands drenched in blood, ignoring the wounds I've got from those assassins who almost took my family away forever. I could still feel the touch of the cold breeze on to my skin brought by the storm which swept all the good memories we have made on that vacation.



As I was trying to reminisce every moment of that tragic day, I heard my old man sighing as he observes me from the couch. Napatigil ako sa pagtitig sa baril na hawak ko. "Skyzzer is unexpectedly a good friend of the Vantress heir. Even though I am his cousin, I was a brother first. I can't afford to risk my plan just to satisfy his curiosity. I know he will find a way but I won't give confirmation." I told him.



It was not really my intention to hide everything to Skyzzer but it would be better this way. Kapag nalaman niya, alam kong mas lalo lamang bibigat ang kalooban niya sa pagtatago sa mga kaibigan niya. Hindi baleng ako ang dumanas ng pangongonsensya at mga resulta ng lahat ng mga pinaggagagawa ko. Huwag lang ang batang iyon. Masyado ko na siyang naapektuhan noong hiniling ko sa kanya na itago ang kasalukuyang kondisyon ng kapatid ko. 



Flashback. 



"Mom... Dad... Alexandria..." usal ko habang pinagmamasdan kong ipasok ng mga nars at ng mga doktor ang mga katawan nila sa emergency rooms. Kapwa may mga malulubha silang kalagayan. Pinagpapasalamat ko na na nakarating kaagad kami sa isang kalapit na ospital kung hindi... kung hindi... 



Kasalanan ko ang lahat ng ito 'e! Hindi dapat ako umalis! Hindi dapat ako sumama sa bayan! Edi sana naroroon ako nang mangyari ang lahat ng ito. Edi sana nagawa ko kahit papaanong tumulong sa pakikipaglaban. Edi sana naprotektahan ko sila. Edi sana may nagawa ako. 



Please. Please don't let them die. Please. 



"Xander! Hijo, anong ginagawa mo riyan? Ipagamot mo muna ang mga sugat mo! Lalo na 'yang tama sa braso mo! Mauubusan ka ng dugo kapag patuloy kang nandirito!" nag-aalalang sabi ni Uncle Johan nang makarating siya sa ospital. I called him the moment I got the tip from one of our men that something is going on in the villa. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon