Chapter Twenty-Five

179K 7.1K 4.1K
                                    

"Okay, another challenge 'to. Ang tawag ko rito, 'spend the day with Angel'. Dito na babase si Angel kung sino ang pipiliin niya. Ehem, walang pikunan 'to, guys. Magba-bato bato pick kayong dalawa, kung sino'ng mananalo, siya ang mauuna. Siyempre dito sa 'spend the day with Angel', walang dapat umabala sa naka-schedule na kasama ni Angel. Kanya kanyang technique na lang para mapa-fall siya. So, game na, bato bato pick na kayo," sabi ni Cadence.

Umagang umaga, ito ang ibinungad sa amin ni Cadence. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin natatapos ang competition kuno na 'to.

"No, that's not acceptable. Paano kung kidnap-in ni Zak si Angel?" nakakunot-noong tanong ni Castor.

"Ano ka ba? Masyado namang masama ang tingin mo sa kaibigan ko, Castor. Hindi gano'ng klaseng tao si Zakarius my friend, hindi nangki-kidnap 'yan. So ano na, bato bato pick na, h'wag na tayong mag-aksaya ng oras," sabi ni Cadence at pumwesto sa gitna nina Zakarius at Castor.

"What the hell is bato bato pick?" Zakarius asked as his forehead creased. I bit my lower lip to suppress my laugh, to hell with this man. Siya lang yata ang Pilipino na hindi alam ang bato bato pick.

I just sighed while staring at them. Cadence is patiently explaining how bato bato pick works to Zakarius.

"Okay, game na... Bato bato pick!" sabi ni Cadence.

Ayaw kong sakyan ang trip na 'to ni Cadence pero napatingin ako sa kamay nina Zak at Castor. Bato ang kay Castor at gunting naman ang kay Zak.

"Okay, dahil nanalo si lover boy Castor... Si Castor muna ang makakasama ni Angel ng buong araw. Zakarius my friend, pasensya na pero bawal tayong umepal sa kanilang dalawa," sabi ni Cadence at umakbay kay Zakarius na nakakunot ang noo.

"This is unacceptable," tila naiinis na sabi ni Zakarius, umiigting pa ang panga nito.

"Dude, let's be fair here. Kahit kaibigan kita, kailangan ko pa rin panindigan ang pagiging host ng competition na 'to. Let's go, my friend. Bukas naman masosolo mo siya, e."

Hinila na ni Cadence si Zakarius palabas. Wala namang nagawa si Zak at hinabol na lang ako ng tingin. Halatang ayaw pa niya lumabas pero pinilit siyang hilahin ni Cadence palabas.

Naiwan na kami ni Castor dito sa rest house. Natigilan ako nang matawa siya saka umupo sa tabi ko.

"Damn, Director Cavalcante fucking surprised me, I didn't expect him to be like that. I mean, he always seemed serious and matured, kung umakto siya pagdating sa 'yo para siyang teenager," napapailing na sabi pa nito.

"He's more than what you think he is. He's immature, he's clingy, sometimes he's innocent about some certain things, he's also a cold and heartless jerk... He's unpredictable," I said and drank my fruit juice.

"Well, I don't want to admit this, but he seems sincere, Angel. Hindi ko siya kinakampihan, ayaw ko rin naman na piliin mo siya... Pero sa tingin ko dapat mong pakinggan ang paliwanag niya."

Natahimik ako sa sinabi ni Castor. Sa totoo lang wala na akong balak pa na pakinggan si Zak... Paano kung umasa lang ako? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Paano kung si Jaze naman pala talaga ang mahal niya? Sobrang nag-aalinlangan pa rin ako kahit na gustong gusto ng bumigay ng puso ko sa kanya.

"So... How will we spend the day?" Castor asked and smiled at me. I just chuckled and shrugged.

Napahawak si Castor sa baba niya na tila nag-iisip. He looked at me and touched his bottom lip.

"Nothing, we'll just talk, or eat... Puwede namang tumulala na lang tayo," tila natatawang sabi niya. Naningkit ang mga mata ko.

"Sumusuko ka na ba kay Zakarius?" tanong ko na lang, may halong pagbibiro.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon