Signs na hindi ka na mahal ng ka-Long Distance Relationship mo

6.6K 3 0
                                    

A long-distance relationship is not for everyone. Being away from each other for longer periods of time can get exhausting and emotionally draining talaga. Both partners must invest in the relationship fully to keep the spark alive and maintain a strong emotional bond despite not being able to see each other.

Mahirap din malaman sa LDR kung mahal ka pa ba ng ka-LDR mo o hindi na. Dahil hindi mo naman sya nakikita at nakakasama. Pero hindi din naman agad ito nangyayari sa unang taon o buwan ng distansya nyo. Mapapansin mo lang ang pagbabago ni ka-LDR habang tumatagal na magkalayo kayo. 

Narito ang ilang senyales para malaman mo na hindi ka na mahal ng ka-LDR mo.

1. Hindi na madalas tumawag/ Mag-message 

Kung dati ay walang humpay ang pagtawag nya sayo at pagcha-chat. Pero ngayon ay biglang dumalang na ang pag-uusap nyo. Tapos puro away pa kayo kung magkakausap. At kapag hindi na nagmemessage si mahal, isa lang ang meaning nyan. Ayaw ka na nyang maka-text o maka-chat pa. Pwedeng busy sya o di kaya naman ay may iba ng ka-chat.

2. Hindi na nagpapaalam sayo 

Dati naman ay nagpapaalam sya sayo kahit saan sya pumunta. Pero ngayon ay hindi mo na alam kung saan sya pumupunta. Makikita mo na lang sa post nya sa Facebook na namasyal pala sya kasama ng barkada nya. Hindi ka na nya nire-respect sa aspetong ito.

3. Hindi na nag-e-effort 

Dati-rati kahit pagod sya sa trabaho ay handa syang magpuyat para lang makausap ka. Tapos kapag may okasyon ay nagpapadala pa sya ng gifts sayo. Pero ngayon, ni anniversary nyo ay hindi na nya naaalala. Tapos tinutulugan ka pa kapag magkausap kayo. Sign na yan na wala na syang pakialam sayo.

4. Hindi na sya interesado sayo 

Kapag si ka-LDR ay hindi man lang kinukumusta ang araw mo o di kaya naman ay hindi man lang pinakikinggan ang sinasabi mo. Tapos kapag kausap mo ay sa cellphone nya nakatutok ang atensyon nya. Naku, magtaka ka na at baka hindi na sya interesado sayo.

5. Awkward na ang feeling pag magkasama kayo 

Dati-rati ay ang sweet nya kapag umuuwi sya galing ibang bansa o kung saan mang lugar na malayo sa Pilipinas. Tapos magtataka ka na lang dahil yung sweetness nya ay napalitan na ng awkwardness. Para bang may nakapagitan na sa inyong pader kapag magkasama kayo ngayon. Kahit magtitigan sa mga mata ay hindi nyo na rin magawa.

6. Stonewalling 

Stonewalling is basically like silent treatment or refuse to communicate. Kasamahan din nito yung biglang aalis sa oras ng argumento at problema nyo. O kaya ay mawawala sya ng ilang araw ng hindi man lang inaayos ang problema nyo. Tapos hindi nya sinasagot ang tawag at chat mo kahit pa anong ratrat mo ng chat sa kanya. Iba-block ka pa nya sa social media dahil ayaw ka nyang makausap. Kinokontrol nya yung situation sa pamamagitan ng hindi pakikipag-ugnayan sayo hanggang sa ikaw na mismo ang magsawa na humabol-habol sa kanya. Parang na-ghosting ka nya, ganon. Pag ganito si ka-LDR sayo, mag-isip-isip ka na.

7. Wala ng sigla kapag kausap ka 

Dati-rati naman ay ang sigla nyo kapag magkausap kayo. Palagi syang sabik na makausap ka. Pero biglang nawalan na lang sya ng gana na kausapin ka. Tapos natitiis na rin nya na hindi ka tawagan ng ilang linggo.

8. Intuition 

Kapag nararamdaman mo na may iba na sya dahil nga sa mga senyales na pinapakita nya sayo. Maniwala ka sa intuition mo. Dahil hindi ka naman magkakakutob kung wala kang basehan. Pero syempre mag-imbestiga ka din muna at magtanong-tanong sa mga taong alam mong makakatulong sayo na malapit sa kung nasaan mang lugar si ka-LDR.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon