Chapter Twenty-Six

176K 6.7K 3.6K
                                    

Hindi ako tanga, at kahit sino makukuha ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Zakarius... Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila na-blangko ang isip ko.

Just relax, Angel. Pretend that you didn't hear that. Yeah, right. Hindi ko dapat ipahalata na narinig ko ang sinabi niyang 'yon.

“Okay ka lang, Angel? Kagabi ka pa tahimik,” puna ni Castor saka inabutan ako ng fresh orange juice. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ininom iyon.

“I'm fine, may iniisip lang,” sabi ko na lang saka pasimpleng tumingin sa paligid.

It's already 1 pm, ilang oras din akong nagkulong sa kuwarto. Bakit wala rito sina Cad at Zak?

“Naliligo silang dalawa sa dagat.”

Natigilan ako at napatingin kay Castor. I raised my eyebrows at him but he just smiled at me and pinched my cheek.

“I know you want to ask that. Niyaya rin akong maligo ni Cadence pero wala ako sa mood. Ikaw? Gusto mo bang magpahangin sa labas?” tanong niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya saka itinuloy ang pag-inom ng juice.

“The hell I care,” I murmured and sipped on my juice again. Castor chuckled and scratched his eyebrow.

“Sungit mo naman, buntis,” natatawang sabi niya. Inismiran ko na lang siya saka sinipa ang binti niya sa ilalim ng table.

Mabilis kong inubos ang juice, halos inisang inuman ko na lang 'yon. I stood up and fixed my hair and my flowy floral dress. I need to get some fresh air.

“Lalabas muna ako saglit, Castor. Kailangan ko lang magpahangin,” sabi ko na lang saka agad na lumabas ng rest house, hindi ko na hinintay na sumagot si Castor.

Agad akong nagtungo sa dalampasigan, napakunot ang noo ko nang makitang wala naman sa dagat sina Zakarius. Pinagti-trip-an lang ba ako ni Castor?

“Kuya Zak! Paano po ba ako gaganda? Ang pangit ko raw po sabi ng crush ko kaya ayaw niya sa akin.”

Natigilan ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses ng batang babae. Nakita ko si Zakarius mula sa di kalayuan, nakaupo siya sa buhanginan habang nakapalibot ang mga bata sa kanya. My forehead furrowed as my eyebrow shot up. What the hell is he doing? Bakit siya napapalibutan ng mga bata?

He's topless, his muscled arms are exposed, as well as his firm abs. His muscular body makes me want to forgive him already and touch him all day long.

“Kung pinanganak kang pangit, hindi ka na gaganda maliban na lang kung magpaparetoke ka,” walang emosyon na sabi ni Zakarius sa batang babae.

I gasped in shock with his remark, pati ang batang babae ay halatang natigilan din sa sinabi niya, halata rin sa mukha nito na nasaktan ito sa diretsahang sinabi ni Zakarius.

Damn this man. Walang preno ang bibig niya.

“Pero wala lang ang panlabas na anyo, mas mahalaga pa rin ang ganda na nasa loob... kung sinabi ng crush mo na ayaw niya sa 'yo dahil pangit ka, then he's not worthy of your affection. Nakupas ang ganda, kung maganda ka nga at nagustuhan ka niya dahil do'n, paano na lang kapag hindi ka na maganda? Edi hindi ka na niya gusto?” mahabang paliwanag ni Zakarius saka inayos ang buhok ng batang babaeng katabi niya.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kanya. Kung ganyan ang mindset niya, ibig sabihin lang niyan hindi niya ako minahal dahil sa hitsura ko.

Bakit nga ba mahal niya ako? I may be beautiful but I'm a bitch, hindi naman maganda ang kalooban ko.

“Ate ganda!”

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon