Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 3

8.8K 152 21
                                    

***FLASHBACK***

LEVI

"ANO 'YAN?" SERYOSONG tanong ni Levi nang ihain sa kanya ni Jerome, ang nakatatandang kapatid ni Leila, ang isang puting sobre.

"Bakit hindi mo kunin para makita mo kung ano 'to?" maanghang nitong sagot.

Tumingin muna siya paligid para makasigurong walang mga estudyante sa parking lot kung saan sila nag-uusap, at saka niya tinanggap ang sobre.

Kumunot ang noo niya nang makitang cheke na may halagang isang milyon ang laman no'n.

Tiningnan niya si Jerome nang masama. "Binabayaran niyo ako?"

"Kung 'yon ang tingin mo sa ginagawa ko, baka nga."

Galit niyang binalik ang sobre rito. "Hindi niyo ba talaga ako titigilan? Ano bang gusto niyo?"

"Simple lang, Mr. Levi Alarcon. Layuan mo ang kapatid ko."

Napangisi siya sabay umiling-iling. "Wala akong ginagawang masama kay Leila."

"Wala?" Nag-umpisa nang tumaas ang boses nito. "Sinisira mo ang buhay ng kapatid ko, alam mo ba 'yon? Tapos sasabihin mong wala kang ginagawang masama?"

Tinalasan niya ng tingin ang kausap. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na ang totoo ay kanina pa siya napipikon. "Gusto ko si Leila. Seryoso ako sa kapatid mo. Papaanong sinisira ko ang buhay niya?"

"Tangina! Sinong ginagago mo rito? Anong gusto? Anong seryoso? My sister is just 15 years old!"

"Bakit, ano bang akala mo? Na niloloko ko si Leila?"

"Hindi ako naniniwalang mahal mo ang kapatid ko. Paano ako makasisigurong wala kang ibang habol sa kanya?"

Umigting ang panga niya dahil sa naramdamang pang-iinsulto. What does this Jerome really think? That he's one hell of a pervert man flirting with a high school girl?

"Ganyan ba ang tingin niyo sa 'kin?" matapang niyang sabi. "I don't have any plans of taking Leila's innocence away, if that's what you're thinking. Hindi ko rin habol ang yaman niyong mga Perez. May pera ako."

Napakuyom ito ng kamao. "Layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya alam ang ginagawa niya. At ikaw, hindi mo na dapat siya pinapatulan. Ikaw pa nga dapat ang nagsasabi sa kanya na mali ang ginagawa niya dahil mas matanda ka." Bigla siya nitong nilapitan para angasan. "Hindi ka gusto ni Leila, naiintindihan mo ba 'yon? Masyado pa siyang bata para sa ganito. Kulang lang siya sa atensyon."

"At ano namang alam mo sa tunay na nararamdaman ni Leila? 'Di ba napakahigpit niyo nga sa kanya?"

"Wala kang pakialam kung paano namin pinalalaki si Leila. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo? You're her teacher and she's your student! Para mo na siyang kapatid, ah! Pwedeng-pwede kang makasuhan sa ginagawa mo, siguro naman alam mo 'yon."

Umiwas na siya ng tingin. Hindi siya makapaniwalang tinatakot siya ng isang lalaki na kung tutuusin, mas bata ang edad sa kanya. E kung suntukin niya kaya ito? Makalalaban kaya ito?

"Wala ka bang pasok?" sabi niya na lang. "Umalis ka na."

Hindi naman ito naapektuhan at nagpatuloy pa rin. "Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kay Leila kapag nalaman ng St. Agnes ang relasyon niyo? She can be kicked out! At posibleng wala nang ibang eskwelahan ang tumanggap sa kanya. Gusto mo bang mangyari 'yon? 'Yon ba talaga ang gusto mo, ha? At ikaw, mawawalan ka rin ng trabaho kapag nahuli kayo."

Binalik niya rito ang tingin niya. "Alam ko na 'yan bago mo pa sabihin sa 'kin. Pero huli na para matakot pa ako. Pasensiya ka na, hindi ko na kayang bitiwan ang kapatid mo. Umalis ka na."

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon