Chapitre 12

14.8K 525 69
                                    

" Nasaan silang dalawa?" Tanong ni Lem sa kung sino mang nagsasalita sa earpiece niya habang kinakaldalad ang katawan ko.

Wala akong ginawa kung hindi ang matulala.

Kahit sakit ng katawan ko ay hindi ko nararamdaman.

I felt relieved that Keian, came for me. Pero inaalala ko yung kalagayan niya, nila.

Baka masaktan sila...

" Shunga ba sila? Hindi ba nila naisip na nasa kamay kita at pwede kitang patayin ano mang oras? Hahaha" gusto kong ngumisi dito dahil alam kong may plano sila Keian pero nanatili akong nakatulala.

Maya maya ay dumating kami sa isang parang parking lot.

Walang katao-tao dito.

I mean yung buhay.

Puro nakahilata na sila.

At doon ko nakita si Keian at si Tito Andre na parehas na may hawak ng baril.

" Lem!" Rinig kong sigaw ni Keian.

Binitawan ni Lem ang buhok ko kaya napababa sa sahig ang ulo ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo pero itinaas ko ang tingin ko para matignan si Keian.

He gritted his teeth when he saw me.

And when our eyes met...

It's like he's in pain.

His cold expression softened while still looking at me.

Sinubukan kong ngumiti kaso may tumulong luha mula sa mata ko.

Nang makita iyon ni Keian ay dumilim ang paningin nito, humigpit ang hawak sa baril na nakatutok kay Lem.

" We have what you want" sabi ni Tito Andre tsaka binato palapit sa amin ang isang bag. Madilim ang aura ni Tito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Pinanliitan ng mata ni Lem yung bag.

" Sa tingin niyo magpapauto ako sa inyo? Hindi kayo ganito mag-isip! Alam kong may pinaplano kayo..." Sigaw ni Lem tsaka ngumisi.

" Hahaha! Alam ko ang plano niyo" itinayo ako ni Lem tsaka tinutukan ng baril sa sentido.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakita kong nanlaki ang mata ni Keian at Tito Andre.

" Hindi ako magpapauto sa inyo! Hahaha! Good thing I have plan B" may narinig akong click at may bigla nalang sumabog na parang bomba.

Nagsimulang tumakbo papunta sa amin si Keian dahil hinihila ako paatras ni Lem, papasok sa isang pinto.

Napahinto bigla si Keian nang yumanig ang kinatatayuan nila.

Bigla akong kinabahan.

" A-anong ginawa mo?" ngumiti lang sa akin si Lem at bago pa man tuluyan kaming makapasok sa may pintuan ay nakita kong nagbitak ang semento sa pwesto nila Keian at Tito Andre.

Nanlaki ang mata ko.

" No!" Tumingin sa akin si Keian bago mahulog nang tuluyan dahil sa pagkasira nung pwesto nila kanina.

Habang yung part namin ay hindi man lang nasira.

" Keian!" Minamalat kong sigaw.

Nasa mataas pala kaming lugar.

Parang nagkaroon lang ng lindol at yung part nila kanina ang gumuho.

Parang may sumaksak sa dibdib ko.

Pwede silang madaganan ng mga bato o semento.

Galing sila sa mataas na lugar at maaaring mamatay dahil sa pagkahulog.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon