CHAPTER 202

2.6M 53.4K 101K
                                    

MAX'S POV

"YOU BITCH!"

Mula sa likuran ko ay nangibabaw ang sigaw ni Eerah. Naramdaman ko ang mabilis na pag-atake niya pero hindi niya inaasahan ang mabilis kong pag-iwas.

"Who do you think you are to punch me!" sigaw niya at muling sumugod.

Pero lalo niyang ikinagalit ang mas mabilis ko pang pag-iwas. Parang hangin na basta na lang lumalayo sa kaniya. Ang emosyon na meron ako nang sandaling iyon ay dahil pa sa lungkot, lumalayo dahil sa pandidiri sa kakniya. Kapag napalitan ang emosyon kong iyon, hindi ko alam kung aatras pa ba ako upang makaiwas o ibabato na lang siya upang hindi madikit sa akin.

"I'm going to get you!" dinuro niya ako.

Gusto kong pagtawanan ang makaubos-lakas niyang pagsugod. "Go on," matigas ang loob kong sabi. "May matatanggap kang premyo kung maabutan mo 'ko."

Noon lang ako nainis sa pagiging kalmado ko. Gusto kong magalit o magwala pero masyado akong nanghihina. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag naabutan kita, Maxpein! Pagsisisihin mo ang lahat! Magsisisi kang pinadapo mo ang kamao mo sa mukha ko!" galit na galit siya, hindi lang iyon mababasa kundi mararamdaman pa. "You're gonna regret this!" mariin niyang sabi.

Walang kasindiin ang mga salita niya. Kung iba marahil ang makaririnig ay posibleng matakot. Pero hindi ako. Hindi ako 'yong tipo ng taong pwede niyang takutin gamit ang salita, kahit may hawak pa siyang kutsiyo.

"Hahabulin kita kahit hanggang sa impyerno, Maxpein Isinusumpa ko!"

Mabilis siyang sumugod. Hindi niya inaasahan ang pagsalubong ng kamay ko sa kaniyang leeg. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko nang mariin kong pigain ang leeg niya.

"Mapagod ka sa kahahabol kung gano'n, dahil ang mga kasing-hayop mo lang ang makararating do'n," sabi ko saka initsa siya papalayo.

Humandusay siya sa lupa. Hawak niya ang leeg habang masama ang tingin sa 'kin. Ginantihan ko iyon nang mas masama pang tingin.

"'Wag mo 'kong subukan kapag ganitong galit ako, Eerah. 'Wag na 'wag mo 'kong susubukan," mariin kong banta saka ko siya tinalikuran.

"Taguro..."

Sa huling pagkakataon ay hinayaan ko si Sensui na humabol sa 'kin. Nanlalabo na sa galit ang mga mata ko pero naaninaw ko ang lungkot at sakit sa mukha niya.

"Iiwan mo 'ko?" pinipigilan niya nang todo ang maiyak.

"Oo." Ipinakita kong matigas ako.

Kumibot-kibot ang labi niya at matagal bago nakapagsalita. "Hindi mo na 'ko babalikan?" gusto kong maasar dahil para siyang bata. "Babe, hindi mo 'ko babalikan, babe?"

"Hindi."

"Babe..."

"'Wag mo 'kong lapitan," umatras ako.

Tumitig siya sa 'kin at umiling, pigil na pigil pa rin ang mga luha. Hindi niya magawang ituon sa 'kin nang matagal ang paningin. Hindi ko malaman kung nahihilo ba siya o ano. Ang alam ko ay wala siya sa sarili.

"Taguro, 'wag naman ganito, oh? 'Di ba mahal mo 'ko? 'Wag ka naman magdesisyon agad nang ganiyan." Bigla ay parang hirap na hirap siyang magsalita, animong may sakit na iniinda. Halatang bumibilis ang kaniyang paghihinga, halos magkandautal-utal sa pagsasalita.

Hindi ko nagawang tumugon agad dahil bawat kilos at galaw ng sistema ko ay nakadaragdag sa sakit na nando'n na mismo sa dibdib ko. Pero ayaw ko nang magpakita ng kahinaan sa kaniya. Maski nga siya ay ayaw ko na munang makita.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon