CHAPTER 42

163K 2.6K 89
                                    





Miracle turned three months old yesterday and I can say the small party we had was really a blast. Dinaig pa ang pa birthday celebration sa nangyari kahapon. All of Eros friends are present, may mga dala pa talaga ang mga ito na regalo. Tanghalian nag sipag datingan ang mga kaibigan ni Eros. Abby is there too even their kids, si Daddy ay hindi din nagpahuli because he bought lots of gifts for our daughter.




"Nanay Imelda sasaglit lang po ako sa grocery paki bantayan po muna si Miracle." Hinalikan ko pa sa nuo ang baby namin, mag tatanghali na at ganitong oras madalas matulog si Miracle. Kaya mas mabuting ngayon din ako mag grocery dahil mas kokonti ang mga nag gogrocery ng tanghaling tapat. Sinabihan na ako ni Nanay Imelda na sila na lamang daw ng kasambahay ang pupunta sa grocery sa bayan but I insists. Matagal na din akong hindi nakaka labas ng mansyon. At isa pa hindi naman ako magtatagal.

While Eros went to Manila with Gerald, may dadaluhang seminar ang dalawa sa Pasay City. They leave as early as five in the morning earlier. The Governor and Vice Governor ride the helicopter of my husband. Maghapon lang ang seminar kaya mamayang gabi nandito na si Eros.




"Sige na iha ako na ang bahala, ikaw talaga ilang ulit mo namang sinabi na wag pabayaan ang anak niyo. Aba  apo ko na ata 'yan kaya hindi ko pababayaan 'yan."





Napangiti ako sa matanda, then I grabbed my wallet and my cellphone on my dresser and went outside of our room. Naka pang-bahay nga lang ako aalis. I'm just wearing a shorts and sleeveless, mainit ngayon ang panahon kaya tamang-tama lang ang suot ko. And beside I am more comfortable wearing this. Pero kung nandito si Eros siguradong hindi ako papayagan no'n umalis ng naka-ganito.





"Sige na kahit sa labas niyo na lang ako hintayin." Sabi ko sa dalawang bodyguard na kasunod ko. Hindi pa din kase talaga ako sanay na may sunod sa akin ng sunod.


"Naku Ma'am  mapapagalitan po kami ni Gov." Magalang naman na sabi ni Allan. Isa sa bodyguard na kasama ko.


"Akong bahala kay Eros, sige na hintayin niyo na lang ako dito." Agad akong pumasok sa loob ng Supermarket at iniwan ang dalawa. Natatawa na lang ako ng makita ang mga ito na pa kamot kamot ng ulo. They really scared on my husband, I'm not really in a hurry pero gusto kong makapamili ng maayos ngayon. I'm planning to cook tuna pasta for our dinner. Kumuha ako agad ng cart at naglakad na para mag-ikot sa loob.


Manila..

"I miss my wife and my baby Miracle.." Eros told Gerald, They just finished their lunch, nasa CCP Complex sila ngayon. As usual seminar with other politicians
is really boring for him, aside sa puro pag-yayabangan ng kung anu-ano hindi niya talaga gusto ang umatend attend ng mga ganito. Hindi  lang talaga mapilit ni Eros si Gerald na ito na lang mag-isa ang pumunta dito sa Maynila. Gerald want to attend the seminar with him, at isa pa siya naman daw talaga ang mas kailangan dito dahil siya ang Gobernador.


"Kulang lang 'yan sa sex pare.." Sabi naman ni Gerald sa kaibigan. Tuloy parang gusto siya batukan ni Eros.


"Shut up." Saway ni Eros sa kaibigang pangisi-ngisi pa.


"Akala mo hindi ko alam huh? Tinanong mo ang asawa ko kahapon kung puwede na kayong mag-sex ni Sienna. Damn.. My friend really want to get laid. Tigang na tigang ka na no?"





Muntik na itong batuhin ni Eros ng hawak na bote ng mineral water. Tanginang Gerald to tawa ng tawa sa harap niya. "What's funny? Beside si Abby naman kase ang ob-gyne ni Sienna kaya sa kanya talaga ako magtatanong." Paliwanag pa ni Eros, napaka-daldal talaga ni Abigail she shouldn't tell it to her husband.


The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon