CHAPTER 10

2.7M 54.9K 18.9K
                                    

CHAPTER 10

I'M WAITING, Raine. I'm waiting for you to do something. Paulit-ulit iyon na umuukilkil sa isip ni Raine mula ng makarating sila sa charity ball na ginanap sa isang private cruise ship na pag-aari ni Cali Sudalga. According kay Tyron, isang mayamang negosyante si Cali Sudalga. Naka-sentro ang negosyo nito sa pagma-manufacture ng mga yachts and cruise ships at ipinagbibili iyon sa iba't-ibang bansa.

When the charity ball started, the cruise ship started to sail off.

"Okay ka lang ba, Raine?" May pag-aalala na tanong sa kanya ni Tyron na halos hindi umalis sa tabi niya mula ng dumating sila. "You look bothered."

"Okay lang ako." Mabilis niyang sagot at sumimsim ng wine sa kopita para itago ang tunay niyang nararamdaman.

"Sigurado ka?" Pangungulit nito. "Parang hindi ka mapakali e."

"Oo, sigurado ako."

Nagpapasalamat siya ng may lumapit kay Tyron na lalaki na halos kasing edad lang nito at kinausap nito ang binata tungkol sa negosyo. Mabilis siyang tumayo at tinakasan ang binata.

She wanders in the cruise ship alone. Kailangan niyang makapag-isip.

She still remembered the loud thump of her heart when Tyron said those words. I'm waiting, Raine. I'm waiting for you to do something. Hindi iyon mawala sa isip niya. It bothered her heart and mind. Hindi niya alam kung naglalaro lang ito o kung seryuso ito. Raine wasn't sure how to respond because she didn't know if he was serious or not.

Up until this very moment, Tyron was still in a relationship with Careen. At kahit baliktarin man ang mundo, lumalabas na isa siyang panira sa relasyon ng dalawa.

Raine sighed and leaned on the cruise ship railing. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatingin sa karagatan ng may tumabi sa kanya at ginaya ang ginagawa niya.

Nakakunot ang nuo na binalingan niya ito. "Anong ginagawa mo? Nauna ako rito, doon ka sa kabilang railing."

Ngumiti lang ang lalaki na nakatayo sa tabi niya saka nanatiling tahimik. Tinitigan niya ang lalaki mula sa gilid ng mga mata niya. The man had eyes that could be compared to the greenest forest in the world. It glimmered as he looked at the sea.

"Seriously." Bumuga siya ng marahas na hangin. "Doon ka sa kabilang railing. Nagmo-moment ako rito. Isturbo ka." Pagtataboy niya rito.

Humarap sa kaniya ang lalaki na may napakagandang kulay berdeng mata. "Talaga bang hindi ako puwede rito? I am the owner of this cruise ship you know."

Napaawang ang labi niya sa nalaman. "What? I-Ikaw si Cali Sudalga? Ang host ng charity ball?"

Tumango ang lalaki. "Yes, I'm flattered that a pretty woman like you knows my name."

Hmm! This guy has a sly tongue. "Yeah. Tyron Zapanta told me," aniya na nakangiti.

"Tyron Zapanta?" Tumaas ang isang kilay nito. "Are you ... Raine Dizon? Tyron's date for tonight?"

Nag-iwas siya ng tingin. Shucks! Hindi na talaga siya magtataka kung aabot ang balitang may kinalolokohang babae si Tyron sa girlfriend nito. Parang lahat yata ng imbitado sa charity ball ay kilala ang binata.

"I'm not his date. Pinilit lang niya akong pumunta rito," niya at tumingin sa kalangitan na puno ng bituin.

"Hmm. That's unlike Tyron. Kilala ko siya. Kung ayaw mo, hahayaan ka niya. Hindi siya iyong tipo ng tao na namimilit." Matiim siya nitong tinitigan. "I wonder what he sees in you."

Dumako ang tingin niya sa lalaki. "Magkaibigan ba kayo para masabi mo 'yon?"

Bago pa makasagot ang binata, may yumakap ditong isang magandang babae. The woman was strikingly beautiful with her pinned straight hair, pointed nose, sexy thin lips and almond-shaped eyes.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon