35 ˎˊ˗

1.5K 123 34
                                    

- IZZY's

"I didn't laugh nga."

"Weh? Nakita kitang tumawa eh."

"Let's change the topic."

"Wala, wala, tumawa ka." Tawa ko. "Oh wait, parang gusto ko makita ang studio, kakamiss na eh."

"Ngayon na?" Kinuha ni Niki ang phone niya mula sa bulsa para tingnan ang oras. "Okay."

Nagulat ako sa biglaang paghawak ni Niki sa kamay ko at lumiko sa ibang direksyon.

Habang naglalakad, tinanong ko si Niki kung anong ginawa niya kay Eiko kasi hindi na siya pumapasok sa klase, hindi ko na rin nakikita sa school, siguro nagtransfer na sa ibang skwelahan.

"Hindi ko alam." Ang sagot ni Niki sa tanong ko.

Hindi na ulit ako nagsalita. Hindi na binitawan ni Niki ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang building.

"Andito na tayo." Sabi ni Niki.

"Teka, diba doon ginanap ang random dance play dati?" Turo ko sa may 'di kalayuan.

"Yeah."

Pumasok na kami sa studio. Sumunod lang ako kay Niki kung saan siya pupunta. Grabe, ang laki ng pinagbago ng studio nila.

Pumasok kami sa isang room. Nagulat ako kasi andito rin pala sila Kuya K at Taki.

"Izzy, bestie!" Sigaw ni Taki sabay wave pa ng kamay.

"Izzy? Bakit andito ka?" Gulat na tanong ni Kuya K at nilapitan ako. Inilagay ni Niki ang mga pagkain na binili namin kanina sa isang table sa gilid.

"Bumibisita lang, Kuya," Sagot ko. "Kayo? Bakit kayo andito? Nagp-practice kayo? Para saan?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ano.. bumisita lang din haha," Sabi ni Kuya K. "Gusto mo ba sumayaw? Sayaw tayo?" Napangiti ako ng todo,
ilang weeks na pala ako hindi nakakasayaw.

"May bagong sayaw akong pinag-aralan today, gusto mo turuan kita?"

"Okay, game ako dyan."

-

"Nakakapagod." Reklamo ko pero nakangiti pa rin kasi enjoy naman.

"Water." Offer ni Niki, agad ko itong tinanggap.

"Thanks." Pansin ko rin ang tagaktak na pawis ni Niki. Sumayaw din kaming dalawa kanina eh.

"Ako rin, Niki." Sabi ni Kuya K.

"Ayon sa table, hyung. Kuha ka nalang doon."

"Pambihira ka talagang bata ka."

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon