CHAPTER 31

510K 21.9K 36.1K
                                    


CHAPTER 31

"OPEN IT," utos ni Rhumzell, ang paningin ay nasa paperbag ng cellphone. Hindi na talaga maipaliwanag ang lungkot sa mga mata niya, kahit anong pamemeke niya pa sa kaniyang ngiti. "I'm sure he can't wait to call you. That brat is impatient."

"Ano..." Napasulyap ako kay Bree, nakaiwas siya ng tingin. "Sa bahay na lang." Pinilit ko ring ngumiti. "Umuwi na tayo, Bree."

Matagal na tumitig sa 'kin ang kapatid ko bago nakangiting tumango. "Kukunin ko lang ang gamit ko." Tumalikod na siya sa 'min ngunit muling bumalik at bumaling kay Rhumzell. "Ihahatid mo ba kami, Rhum?"

Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Nasanay kasi ako na tinatawag niya si Rhumzell ng kuya. Gano'n na siguro sila ka-close para tawagin niya na lang ito ngayon sa pangalan.

Ngumiti si Rhumzell. "Oo. Hinabilin din ni Maxrill ang ate mo sa 'kin." Saka siya bumuntong-hininga.

Ngumiti si Bree. "Sige. Kukunin ko lang ang gamit ko."Tuluyan niya na kaming tinalikuran at nagpaalam sa mga kasamahan niya sa banda.

Hindi naman gano'n katagal magpaalam at kumuha ng gamit pero dahil naiilang ako sa presensya ni Rhumzell ay parang napakatagal no'n. Panay ang lingon ko kay Bree at buntong-hininga, palihim na hinihiling na sana ay lumabas na siya.

Bakit naman kasi sa kaniya pa nakisuyo si Maxrill? Alam niyang nanligaw sa 'kin si Rhumzell noon. Ako tuloy ang nahihiya at naiilang sa sitwasyon ngayon.

Muli kong sinulyapan ang cellphone at saka isinara nang tuluyan ang paperbag. Sinabit ko na lang 'yon sa braso ko at tumingin sa malayo hanggang sa makalabas na si Bree.

"Tara na," anyaya ng kapatid ko. Nanguna siya sa paglalakad, sumunod ako at sinabayan naman ni Rhumzell.

"Do you want to eat dinner outside?" mahinang tanong niya. Nakita ko nang bahagyang lumingon si Bree sa gawi namin pero muling itinuon ang paningin sa unahan.

Napilitan akong ngumiti kay Rhumzell. "Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo na hindi ako nakapagpaalam kina nanay at tatay? Pasensya ka na, Rhumzell. Hindi kasi ako sanay nang hindi nagpapaalam bago pumunta sa kung saan."

"Nagbabakasakali lang," nakamot ni Rhumzell ang ulo. "But we're going to eat outside tomorrow night, right? Ipagpapaalam kita sa parents mo ngayon pagkahatid ko sa inyo."

Gusto kong tumanggi. Pero nang muling sumulyap sa gawi sa 'min si Bree ay napabuntong-hininga na lang ako. "Sige,"pagpayag ko.

Napakahirap ng sitwasyon. Alam na ni Bree ang nararamdaman ko, ang totoo ay nasaktan ko siya at nasasaktan pa. Si Rhumzell naman ay walang alam sa namamagitan sa 'min ni Maxrill pero hindi na ako magugulat kung mahulaan niya. Lalo na at gano'n ang sinabi ni Bree kanina, na boyfriend ko si Maxrill. At sino naman ang magbibigay na lang basta ng cellphone sa isang kakilala? Hindi ako maalam sa cellphone o kung ano pa mang nauusong gamit ngayon pero nasisiguro kong mahal ito.

Kung tatanggihan ko naman si Rhumzell, mahuhulaan ni Bree ang dahilan ko, si Maxrill. Sinabi ko na sa kaniyang hindi ko nobyo si Maxrill at hindi ko kinukumpirma sa kaniya ang sitwasyon naming dalawa. Ang tanging alam niya ay may nararamdaman kami sa isa't isa.

Si Rhumzell naman ay alam na nasa Japan si Maxrill para mag-move on kay Ate Yaz. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalamang may gusto ako kay Maxrill at inamin nito sa kapatid ko na gusto niya rin ako?

Napakahirap ng sitwasyon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ngayon lang ako nagkagusto. Si Maxrill ang kauna-unahang lalaking nagustuhan ko. Ganito pala kagulo ang magkagusto at magmahal. Hindi siya mawala sa isip mo. Naiisip mo pa lang siya ay iba na ang saya, lalo na kapag nakita at nakausap mo pa.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon