Special Chapter 1

198 12 37
                                        

-wow. it's been 9 months! namiss ko tong story na to and since nabitin ako sa sarili kong ending, here, a special chapter for you; all of us, to be exact hshshs

THIRD PERSON

Puno ng kulay puting dekorasyon ang paligid. Puno ng kulay puting rose petal ang sahig na siyang dinadaanan ng mga mala-anghel na bata na naghahagis non para sa isang babaeng nakatakdang maglakad doon.

Mahalaga ang okasyon na nagaganap at lahat ay hindi na din makapaghintay sa pagiisang dibdib ng dalawang taong magsasama ng panghabang buhay.

Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang pagkakataon.

Dalawang taong sinubok ng panahon.

Tahimik ang buong paligid. Tanging ang payapang kanta lang ang namamayani sa buong simbahan. Lahat ng bisita ay nakatingin at nakaabang sa pintuan. Inaabangan ang isang partikular na babae.

"Bro, don't you fcking dare cry." Hinawakan ni Yeonjun si Beomgyu sa balikat.

Napairap naman ang binata bago balingan ng tingin ang kaibigan sa likod at ganon nalang ang pagkunot ng noo niya nang makita ang mukha nitong puno ng luha.

"Then why the hell are you crying?!" Pasigaw nitong bulong dito.

"I just can't help it." Si Yeonjun sabay punas ng luha na parang bata saka suminghot. "Who knows, maybe this will be the last time that I could see and touch Ghayle. Why do you have to fcking marry her and be so possessive?"

Agad na sumimangot ang binata. "Shut up. I don't want to murder someone inside the church and on my wedding." Sabi ni Beomgyu sabay talikod.

Binalik niya ang tingin sa pinto at inabangang muli na pumasok ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

"For pete's sake, we're inside the church. Stop fcking cursing both of you." Si Taehyun naman ang nagsalita na nakasimagot sa tabi habang blangkong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Waw, salamat sa advice." Sarkastikong singit ni Kai.

"That's not an advice, asshole. That's a lecture."

"Parehas din yon. Arte." Bulong nalang ni Kai habang nakanguso.

"Please, this is the wedding of our friend. Let it be finish peacefully." Sabi ng leader na halatang napupuno na sa kanilang dalawa pero wala lang magawa dahil nasa loob sila ng simbahan.

"Si Taehyun nagsimula." Parang bata na dinuro ni Kai sa Taehyun na halatang walang pakialam sa kaniya.

"What?"

Hindi na sila muling nakapagsalita pa ang dalawa nang marinig ang pagsinghapan ng mga tao sa paligid. Otomatikong binaling nila ang tingin sa pinto at kagaya ng iba, nahigit din nila ang kanilang mga hininga nang makita ang dalaga na kanina pa nila hinihintay.

Sa kabilang banda, hindi mapakali si Beomgyu. Nagpapawis ang palad niya at ang labi niya ay hindi niya mapigilang kagatin dahil sa kaba at saya.

Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga na nakatingin din sa kaniya habang naglalakad sa gitna ng Alpha at ng Ina niya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagluha nito kaya kahit siya ay hindi maiwasang bumigat ang dibdib.

Ah, shit. I didn't knew I could love like this.

HEIDI GHAYLE CHOI

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now