Chapter 21

223 10 8
                                    

Nag-bihis ako ng arki uniform namin. Kinuha ko ang aking bag at naglakad paalis, sinarado ko ang pinto ng condo ko. Nang ako ay makarating sa parking area ay sumakay ako sa kotse ko at nag drive patungo sa Ust.

Wala akong balak makinig sa professor namin, pero sayang din yung attendance, e. I feel like I'm tired of everything for now. Kahit nga mismong course na gusto ko, na nakuha ko naman at inaaral ko ay feeling ko gusto ko munang tumigil.

Pero hindi pwede e, ako ang nagiisang anak ng mga Alvarez kaya dapat may maiipagmalaki ako sa kanila at ako dapat ang palaging nasa top. That's what our family do, being one of the succesful in the business industry.

But I'm not a person that into business. My dream is being one of the most famous architect out there, balak 'kong pumuntang Spain after my degree. I'm pretty sure that I missed my cousins out there sa Españya.

'Yung tipong hinding hindi mag papatalo, ayun yung iniwan sa amin ni lolo. Ang motto na dapat palaging nasa taas ang mga Alvarez but I'm not that kind of person. I like being lowkey nor a private person na hindi kilala sa madla.

Living in your own kind of world like having such peace in your soul and mind. Naglakad ako papunta sa building ng architecture medyo natagalan pa ako dahil ang bagal kong maglakad muntik na nga akong ma-late.

Hinila ko ang upuan sa tabi ni Reina at umupo doon. Nginitian niya ako at ibinalik ko lamang ang tipid na ngiti sa kaniya. Feeling ko napapansin niya na hindi ako good mood nitong mga nakaraang linggo at araw. Hindi naman siyang nag tangkang tanungin ako, kahit kay Skye ay hindi ko sinasabi.

Nahihiya ulit akong umiyak sa harapan niya naalala ko pa nga noong tinawagan ko siya noon at sinadya pa niya talaga ako kahit gabi na para puntahan ako dito sa condo ko at damayan ako. Hinding hindi na 'yon mauulit kaya masaya sigurong sinasarili ko na lang ang mga problema ko.

Sanay naman ako sa ganoon sariling problema at solusyon. Ang anak ng isang Alvarez ay walang nagagawa kapag ang sarili na nitong sakim na ama ang nagutos ay palaging walang nagagawa. One day nothing can stop me from making my own decisions in this life. My own life, my own decisions.

A life that no one can stop me. Third year na ako at pag na tapos ko na ito ay dalawang taon na lang ang aking titiisin for five years of learning architecture. After that I'll take my two years of apprenticeship and months of review then finally take the board exam.

Kung sasabihin ko 'yon sa mga salita ay siguro ay napakadali lang pero sa totoong mundo mong ginagalawan ay napaka bagal. Nang ako ay naging college na ay feeling ko this is the last happy years of my life and the next thing is being a matured person na may mas ibang bagay ka pang i-intindihin sa buhay.

Kapag stable na ang lahat, mas pipiliin kong mamuhay sa Laguna. Mas maganda doon para sa akin. A fresh air that is soothing. Ang aalalahanin mo lang ang kakainin mo sa araw araw kasama ang pamilya mo. Ang lahat ng na doon ay napaka ganda walang masyadong usok dahil  probinsiya at mga kulay berde na dahon, mga ibon na humuhuni na napaka sarap sa tenga at higit sa lahat ay payapa. 

Hindi lang minsan puro kasiyahan kung hindi kalungkutan. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngayong mga nakaraang buwan dahil ang aking utak ay wala talaga sa pagaaral. I think na apektuhan ako masyado ng mga masasakit na salita ng aking ama.

Pero hinding hindi ako mag papatalo sa kaniya. "Ms. Alvarez?" tinig ng professor ko.

"Ms. Alvarez, bakit hindi ka pa gumagawa?!" muling tanong ng professor ko. Ang aking utak ay abala sa kung ano mang ibang bagay, "Ah, yes po?" tanong ko. Gulong-gulo parin dahil 'kung bakit ako tinatawag.

Tinaas niya ang kanang kilay niya at nag-salita. "I said, why are you not doing your plate. Ms?" 

Dali-dali kong kinuha ang mga kagamitan ko at inilapag 'yon sa drafting table 'ko. "Ms. Tresvalles? Ikaw bakit ka nakatulala diyan kay miss Alvarez?" rinig kong tanong niya kay Reina. 

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now