43rd

18K 809 362
                                    

Mainit



I don't know what gotten to me either.


I was supposed to go out with my friends so I should've said no. Pero ewan ko ba. Parang nablangko ang isip ko. The taunting tone in Ali's voice irked something in me. Nakakairita. Nanghahamon. Nanunuya.


Idagdag pa ang madilim at mariin niyang tingin. Nakakalunod. Nakakawala. Nanunukat.


I don't get him. Akala ko ay ayos na kami. But the scene earlier tells me otherwise. Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang basahin. He's confusing the hell out of me.


Gusot tuloy ang mukha ko hanggang makarating kami sa bar. Kinailangan kong itext sina Elcid na hindi na ako makakasama sa dinner.


Elcid:

It's fine. Nagdala ka ba ng sasakyan? See you tomorrow.


"Oy, oy, oy. Tigil na kakatext!" saway sakin ni Maricon. "Respeto naman sa alak!"


Nabitin ang kamay ko nang agawin niya ang phone. Sinundan pa ng mata ko iyon sa ere bago niya tinaob sa tapat ko. My eyes even caught a glimpe of Ali seated across me. Madilim ang ekspresyon nito.


"Oo nga! Mamaya na 'yan!" sabat ni JJ. "Dumating na drinks oh. Ayan na sa harap mo,"


"Ano ba sayo, sis?" tanong ng katabi kong si Chris. He even stretched his hand on the table for me. "Oh ito na oh, ako na mag—"


Napailing-iling ako at winagayway ang kamay. Magmamaneho pa ko pauwi kaya't ayokong mag-alak.


"Wag na wag na. Club soda lang ako," I forced a cheeky smile. "Hindi ako maghahard drinks.."


Agad na kumontra ang mga kasama ko. They all jeered in unison. I saw Ali taking a shot from the glass he's been holding.


"Hina naman namin sayo," parinig na biro pa ni Kenna.


"Kaya nga tayo nag-bar para uminom eh!"


"Ge na, sis." Chris induced. "Try mo muna kahit isa—"


Natigilan ang lahat nang marinig ang matabang na tikhim ni Ali.


"Hayaan niyo na," malamig na sabi nito. "Baka may magalit pag uminom siya,"


The corner of his lips even sarcastically lifted up.


Natahimik ang mga kasama namin. Napaawang ang bibig ko.


What the fuck? Anong problema ng isang ito?


Salubong ang kilay ko nang makipagsukatan ng titig sa kanya. Naroon na naman ang tila nakakainsultong tingin niya.


I clenched my jaw before reaching for the glass of vodka. I took the shot straightly without breaking eye contact with him. Not leaving an ounce or a drop. Padabog ko pang nilapag ang baso nang matapos.


Nakarinig ako ng sipol mula sa isa sa mga kasama namin.


Hindi rin kailanman nagbitaw ng tingin si Ali sakin. Bahagya pa ngang nakaangat ang kilay. Gago.


"Yown!" Clark was the one who broke the silence.


Maging si Chris ay muli na ring nahanap ang boses.


"Palaban ka rin pala eh!"


"Ganyan dapat! Oh ako naman,"


Everyone else also went back to normal, not really minding what just happened. Maingay na ulit at nagkaayaan pa nga sa dance floor. Si Kenna at JJ ay agad na napasabak sa gitna.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon