Epilogue III

11.2K 357 104
                                    

A/N: 

I'm currently listening to a song. If you like to listen to the song I'm currently listening while editing this chapter, wag mahiyang pindutin ang play button through the link provided :) 

Enjoy!

%%%%

Masarap na simoy ng hangin, ito ang patuloy kong nilalanghap habang nakatayo sa may garden sa labas ng ospital. Pagkatapos naming mag-usap ni Aziel ay hinatid ko na sya sa labas ng ospital at dito na ako dumiretso. May ilan pa kasi kaming importanteng pinag-usapan na may kinalaman sa Ellipses. Dumiretso na rin ako rito pagkatapos at tuluyan na ngang nahumaling sa malamig at mapayapang pag-ugoy ng mga puno at halaman. 

Malapit na ako sa tapat ng kwarto ni Jace pagkatapos ng sandaling pagninilay nilay sa labas noong may naririnig akong sigawan. May malakas na metal ang natumba sa may sahig. May naririnig akong nagpapagulong gulong na bote at nagbabasagan na salamin. 

Lahat ng ito ay nanggagaling sa kwarto ni Jace. 

"Sir sige na po kumalma kayo, sir please po--" 

"Jace ano ba wag mong tatanggalin yan hindi pa pwede!" 

"Gusto ko syang makita. Bitwan nyo ako..." 

"Jace nandito na si Serene kanina. Hintayin mo na lang sya." 

"Matagal nyo nang sinasabi yan. Bakit ba ayaw nyo akong makita sya?"

"Sir please po kalma lang. Hawakan nyo dali!"

"Bitawan nyo ako! Serene! Please I just want to see her. Please!" 

Tumakbo agad ako papasok ng pinto at nakita mismo sa harap ko senaryo na kanina pa paulit ulit na sinasabi sa akin ni kuya Niel magmula noong dumating ako. 

Si Shane. at Rico ay nasa loob kasama ang tatlong mga nurse. Pareparehas silang hinaharangan si Jace at pilit na pinapabalik sa higaan nya. Jace was already pale when I left him before I went outside. However, this time, is much worse. 

Halata sa kilos nya na mahina pa rin sya pero kung makapiglas akala mo hindi nya ginagamit ang lahat ng natitira nyang lakas para roon. Sigaw sya ng sigaw, paulit ulit na sinasambit ang pangalan ko. 

Noong nakita nya akong pumasok sa pinto halos hindi na sya makatayo. Gayunpaman, pilit nya akong inaabot. Binitawan na rin sya nila Shane. Halos matumba tumba sya sa paglakad para makalapit sa akin. Isang bagay na hindi nakapigil sa kanya upang masigurado na hindi isang ilusyon, lalo na nang isang panaginip, ang taong hinahanap nya. 

Mga kamay na nagkahawak...hinila nya ako sa napakahigpit na yakap. Doon na nagsimula ang mga luha sa pagtagas. 

"Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko tuluyan mo na akong iiwan mag-isa. Ikaw na lang ang meron ako, wag mo naman akong iwan. Mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. Mababaliw ako." 

Niyakap nya ako ng mas mahigpit. Ramdam ko ang panginginig at takot na nararamdaman nya. Hinagod ko ang likod nya, pinapatahan, at pinapakalma. Halos lahat ng mga kasama namin sa loob nakahinga ng maluwag lalo na noong dahan dahan na syang kumalma sa pagbulong ko sa kanya ng matatamis na salita-- isang bagay na matagal na nilang sinubukan pero hindi nila nagawa.

***

Napilit kong kumain si Jace, bagay na ikinagulat ng mga nurse dahil ilang araw na raw sya halos walang gana. Tinulungan ko na ring palitan ang damit nya. Inalalayan ko syang umupo dahil sinabi nyang nahihirapan daw syang huminga. Sa akin sya sumandal habang nakatayo ako sa tabi nya. Hawak hawak ko sya sa balikat para hindi sya matumba. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon