Chapter 22

32.3K 827 214
                                    

Chapter 22

Familiar

"Anong gagawin sa mall?" tanong ko habang inaayos ang buhok.

"I'll buy a gift."

Pinaandar niya na ang sasakyan. Naka puti siyang longsleeve, hindi pa yata nakakauwi sa condo niya. Hindi naman araw araw siyang umuuwi sa condo, minsan sa bahay rin nila.

"Gift? Kanino? Next month pa birthday ko..." My last statement was just a joke, though. "Sino ang bibilhan mo?

He smirked and shook his head. Nang mapansin na nag ooverthink ako, nagsalita siya. "Just a cousin, Kesian. Si Hiraya..."

Ilang minuto pa ay nasa mall na kami. Hindi niya alam kung anong ireregalo kaya inaya ako. Magaling.

"What about bag? Mahilig ba sa bag?" tanong ko.

"Nah."

"She likes perfumes?" I asked again. I know Hiraya but not personally.

"I don't know..."

I exhaled harshly and pulled Zoren. Nilingon niya ako at mukha rin siyang frustrated.

"Pinsan mo ba talaga?"

"Pinsan ko, Kesian..."

"Oh, bakit hindi mo alam ang gusto niya?"

"Do I need to know their likes? I have a lot of cousins."

Hirap na hirap kami. Suhestiyon ko nga na pera na lang at alam kong parang tanga iyon dahil mayaman naman sila. Kaya sa huli ay gadget na lang ang binigay niya tutal ay mahilig gumawa ng digital art si Hiraya.

Pumunta kami sa isang jewelry shop. Nagpasabay raw kasi ang isa niya pang pinsan ng regalo para kay Hiraya. Pagkatapos nito ay mag di-dinner na kami. He was busy choosing while I'm busy looking other jewelries.

Nasa ring section ako nang natigilan dahil may nakaharang. He's older and looks familiar. Hindi ko alam kung saan ko nakita, kung nakita ko na ba o may kamukha lang.

"Ay, sorry po..." I said because he caught me staring. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa paghahanap. Bumalik na lang ako kay Zoren at baka abangan ako niyan papasok sa subdivision namin.

Mabilis naman na nakabili si Zoren dahil may sinend na picture si Rhione, ang pinsan niya.

"When are you going to plan for your debut?" Zoren asked while I was still eating. Tapos na naman siya. Hindi niya naman inuubos ang mga pagkain niya. Ako, hindi rin, pero mabagal talaga akong kumain.

"Next week? Sabi ng pinsan ko mahirap daw magplano at organize kaya dapat mas maaga..." I answered when I remember at Kenedie's advice for me.

"Plan with me," aniya at nagpunta ng labi gamit ang table napkin.

"Hm!" Tumango ako dahil gusto ko iyon. "Hindi ka ba busy?" He sighed and I chuckled. "Joke lang. Sama na lang kaya ako sa opisina mo? You have an office there, right?"

Tumango siya. "But small..."

"That's fine! Pero bakit maliit? Sa inyo naman iyon..." Hindi siya sumagot pero na-realize ko naman na kaya hindi na ako nangulit.

Maliit nga ang opisina ni Zoren sa kanilang kompanya. Their company is big, and this is just another branch. Zoren is already working and earning while I'm doing nothing but spending a lot. That's something to be ashamed of.

Mayroon siyang maliit na sofa pero pinaupo niya ako sa kanyang tabi. Nagpakuha siya kanina ng bagong swivel chair. Tahimik lang ako habang busy siya sa pagbabasa ng files.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon