CHAPTER 14

332 60 22
                                    

OLIVER'S P.O.V

Sa sandaling iyon ay naglaho ang aking pagkasabik ganon din ang ngiti sa'king labi.

"Nandyan pala ang bunso n'yo," ani kuya na para bang nang-iinsulto. "Tell the truth in front of him!"

"We're not talking to you, Benjamin!" Galit na sigaw ni papa. "Shut up and go upstairs!"

Umakyat si kuya nang padabog.

Bumuntong-hininga ako.

"Anak," mahinang sabi ni mama.

"Totoo ba 'yung sinabi ni kuya?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa, bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalinlangan.

Napalunok si papa. "Anak, makinig ka muna."

"Sagutin n'yo 'ko... totoo ba 'yung sinabi ni kuya?"

"Anak makinig ka mun –"

"Madali lang naman sagutin 'yung tanong ko 'di ba? Totoo ba ma, pa?..."

Nangingilid na ang luha sa'king mga mata. Hindi ko alam ang mararamdaman habang pinagmamasdan silang nagtitinginan sa isa't isa.

"Anak, let me explain," marahang banggit papa. "Makinig ka muna, please..."

"TELL ME THE TRUTH!" Sigaw ko habang tumatangis. "Mahirap bang sabihin ang katotohanan?..."

"Oo, Oliver. You are adopted," tugon ni mama. I saw her tears streaming down her face.

"Bakit ngayon n'yo lang sinabi? Ba't ngayong malaki na 'ko?" Nanginginig ang aking boses at mga kamay.

"Your biological father cheated on his wife and he can't handle it," saad ni papa. "At ikaw ang bunga ng pagtataksil na iyon."

"And you tolerate it?"

Tumaas bigla ang tono ng aking pananalita habang nakatitig sa kanya.

"Of course, no. But because we want you to have a better life," he said.

"I understand, but you lied," sagot ko naman. "All these years, ampon pala ako?"

"Tinago namin iyon dahil ayaw ka naming mawala, Oliver. Mahal na mahal ka namin," dugtong pa ni mama. "Alam namin na darating ang panahon na hahanapin mo ang tunay mong mga magulang."

Lumunok ako at napapikit habang patuloy na dumadaloy ang luha. Alam kong mahal ako nila mama't papa kahit na hindi nila ako tunay na anak. Masakit sa'king kalooban na malaman ang katotohanan, masakit isipin na bunga pala ako ng isang pagtataksil ng aking tunay na ama.

Tinalikuran ko sila at nagmadaling lumabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni papa.

"Sasama ako kay Harl papuntang The Netherlands," wika ko. "She will work there."

"But you can't leave your job as a pilot, Oliver," dugtong ni papa nang my pag-aalala.

"I can continue being a pilot there."

"Let her go! Ang ganda-ganda na ng buhay mo rito tapos sasama ka lang sa kanya?" Sabi ni mama. "Anong ipapakain n'ya sa'yo?"

"Mahal ko si Harl, ma," diin ko. "This time, I want her to feel my presence, I want to support her, I want to witness chasing her dreams dahil kayo rin ang naging dahilan kung bakit kami nagkalayo noon!"

"RESPECT YOUR MOTHER, OLIVER!" Sigaw ni papa. "Binusog ka namin ng pagmamahal na parang totoo naming anak, 'tapos ganito ang isusukli mo sa amin? Nagawa namin iyon para mabigyan ka ng magandang buhay."

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon