Chapter 37: Welcome home

1.5M 39K 6.1K
                                    

Jeydon's Point of View

NIYAKAP KO SIYA nang sobrang higpit. I miss her so much. Her smell, her hug, everything about her. It feels like forever being away from her. "I'm glad I'm finally back," bulong ko sa tainga niya.

Hinarap ko siya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya. Pinunasan ko agad 'yong mga luha niya. Alam kong emosyonal siya ngayon dahil sa pagbubuntis niya, pero ayoko pa ring nakikita siyang umiiyak. It still kills me to see her cry. Parang ako 'yong nasasaktan sa bawat pag-iyak niya.

"Nakakalakad ka na," masaya pero naiiyak niyang sabi. "Magaling ka na talaga."

"Oo, magaling na ako, at dahil 'yon sa inyo ng anak natin. Kayo palagi ang nasa isip ko para gumaling at makalakad ako." Hinila ko ulit siya palapit sa 'kin at niyakap ko siya. "I wanted to be here for you bago pa lumabas si Dwayne. I wanted to be right beside you."

"Alam mo na?" tanong niya. "Alam mo na lalaki ang anak natin?" nagtataka niyang tanong.

Natawa ako. "Sabi ko naman sa 'yo, matagal ko ng alam kung anong gender niya. Sa 'kin galing 'yan eh."

Pinalo niya ako sa dibdib ko. "Puro ka kalokohan porket nakakalakad ka na!" ,natatawa niyang sabi. Nakakatuwang makita ulit siya na masaya. I miss her smile.

"'Yan naman ang nagustuhan mo sa 'kin, hindi ba?" pang-aasar ko pa sabay kindat sa kaniya. "Diyan ka naman na-in love eh—sa mga pang-aasar ko sa 'yo."

Tiningnan niya ako nang masama. "Oo na pero alam mo may atraso ka pa sa 'kin eh. Bakit hindi ka man lang nagtext sa 'kin na uuwi ka na ha? Hindi ka man lang tumawag! Alam mo bang alalang alala na ako sa 'yo? Baka mamaya may nakita ka ng iba do'n. Baka mamaya nakalimutan mo na ko!" pagmamaktol niya na para siyang bata. "I hate you!"

"I love you, too, asawa ko." Ngumiti ako at hinawakan ko ang mukha niya. Ang cute niya kapag nagmamaktol siya na parang bata kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. "Tanga na lang siguro ako kapag naghanap pa ako ng iba."

"Paano ngayon, ang taba ko na, ang pangit ko na. Mas madami nang maganda sa 'kin diyan."

"Tumingin ka sa mata ko," sambit ko. Tumingin siya diretso sa mata ko. Tinitigan ko ang mata niya at ngumiti ako. "Sabi sa 'kin ng lolo ko, kapag na-in love ka daw dapat sa mata ka tumingin kasi ang mukha nagbabago 'yan, pero ang hindi ang mata natin. The eyes are the window to our soul, ika nga. Kaya kahit pumangit ka man sa paningin ng iba, sa paningin ko magandang maganda ka pa rin just like your eyes."

"Talaga?" tanong niya.

"Talagang talaga." Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ko siya. I missed this. I missed kissing her. Wala na akong pakialam kahit madami pang tao sa paligid naming, basta ang nasa isip ko lang ngayon ay si Candice at ang malalambot niyang labi. Kumawala lang ako no'ng marinig ko na ang boses ni Marky. "Your kiss is still the best," bulong ko.

"Ehem ehem, may tao pa dito," sambit ni Marky. Lumapit siya sa 'kin. "I'm glad you're finally back!" nakangiti niyang sabi. "Kailan tayo mag babasketball ulit?" masaya niyang tanong.

"Konting pahinga pa sa paa ko at puwede na," sambit ko. Napatingin ako sa paa ko at hindi ko naiwasan na maging masaya. Matagal ko ring hindi naramdaman ang paa ko pero ngayon, kayang kaya ko nang maglakad ulit na parang walang nangyari. "Ready na ba lahat sa bahay?" tanong ko.

"Oo, at mabuti pa at umuwi na tayo dahil kanina pa nag-tetext si Tita Janice," singit ni Sab.

Hinawakan ko ang kamay ni Candice at inalalayan ko siya papunta sa kotse ni Marky. Minsan talaga kapag kasama ko si Candice, hindi ko na naiisip ang mga tao sa paligid namin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa mundo.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon