Epilogue

80.9K 1.6K 748
                                    

Epilogue

"I should've killed you that night Yvette." nanlalaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin si Miguel, iyong stalker. Nakasuot rin siya ng kulay kahel na shirt katulad ng kay Warren. Kailan niya ako binalak patayin? Nangunot ang noo ko at napaatras. Sa likod niya ay dalawang pulis na napatigil lamang dahil sa paghinto ni Miguel.

"Miguel Ashton Wenceslao at your service." aniya sa nanunuyang boses. Napaatras ako at mas lalong naguluhan pa. What the hell is going on?! Related ba siya kay Warren? No, halos magkapangalan nga sila eh! Sita ko sa sarili ko habang nakangisi lamang si Ashton na para bang natatawa pa. They really fooled me huh? All along ay magkasabwat pala sila?

"Kakambal ka ba niya?! Are you related with him?!" namamaos ngunit pasigaw kong saad. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit pinigilan ko siya.

Sawang-sawa na akong magtanong at manghula sa kung ano ang siyang tunay na nangyari at kung sino ang mga kasabwat ni Warren. Surely, ay hindi niya magagawa ang lahat ng iyon mag-isa. Ayon sa testimonya niya sa korte ay nakainom siya at high ng gabing iyon kaya niya nagawa ang krimeng iyon, kahit ganoon pa man ay walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin. He took me against my will. Part of me ay gusto na siyang patawarin heto nga't tatakbuhin ko na ang korte, ipapahiya ang pamilya ko at handang kutyain ng lahat ngunit heto lang ang malalaman ko. All this time ay magkasabwat sila?! Kaya ba ganoon na lamang sila magtagisan ng titig noong nasa Malabrigo pa kami?! Damn it!

"Wala na sigurong dahilan para magtago pa sayo Yvette. We're doomed! Ang buong pamilya ko ay mabubulok na sa impyerno. Ilang beses kong sinabi kay Warren na patayin ka na niya hangga't nasa poder ka pa niya dahil banta ka lamang sa amin. Matigas ang ulo ng isang 'yon! How can he protect you against us? Ni hindi ka nga niya naprotektahan sa sarili niya. He raped you Yvette, we tried to get rid of you." akala ko'y saksak na sa akin lahat ng kumpisal ni Warren noong gabing iyon ngunit masakit din palang malaman ang katotohanan sa ibang tao. Pinagplanuhan nila ito, ngayon sigurado pa ba ako kung mahal niya ako? I'm such a fool! Naiinis ako sa sarili ko dahil gaano pa kabigat ang kasalanan ni Warren, kasalanan man pang-tao o Diyos ay handa ko siyang patawarin.

"M-Minahal niya ako diba?" isang suntok sa puso ko ang tanong na iyon. Kung dati'y may kasiguraduhan ngayon ay hindi ko na alam. Mahal niya ako kaya niya ginagawa ito. Nagkibit-balikat lang siya at ngumisi. Baliw ang lalaking ito! Makukulong na ay nang-aasar pa. Agad na namuo ang galit sa puso ko. Mabait si Warren nakikita ko iyon sa kanya, ang sinseridad at pag-aalala sa mga mata niya para sa kanyang kapwa ay hindi maitatangging katotohanan samantalang itong kapatid niyang nagmumura ng kademonyohan.

"Bakit niyo ito ginagawa? Kayo and si Patricia? Wala naman kaming kasalanan sa inyo!" nagtatagis ang aking mga bagang sa gigil kung hindi lamang nakaposas itong si Ashton ay malamang sinapak ko na siya at isa pa ay baka magkakaso rin ako kapag ginawa ko 'yon. Pinilit ko ang sarili kong kumalma. Ilang trials ba ang hindi ko napuntahan? Walang sinabi man lang sila mommy sa akin na may mga nadawit pala sa kaso bukod kay Warren. Ang huling punta ko ay iyong testimonya ni Warren at pagkatapos noon ay nawalan na ako ng lakas o gana para dumalo pa sa mga sumunod na trials. Ngayon lamang ulit.

"To get even!! Nang dahil sa mga magulang mo ay lumaki kami sa lansangan ni Warren. Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas namin ng kapatid ko habang kayo ay nagpapakasaya? Iisa na nga lang ang magulang namin ay inilayo niyo pa! Sa tingin mo anong hirap ang dinanas namin? Ikaw lumaki kang mayaman at may pamilya! Kami wala!" bahagyang may kumurot sa puso. Iniisp ko pa lang na walang makain o masilungan si Warren noon ay nahahabag na ako. My poor Warren.

"Si Patricia? Wala naman. Hibang ang isang 'yon kay Papa, magpapa-alipin siya kung kinakailangan 'wag lang iwan ni Papa pero alam mo may sa-pusa ka rin e 'no! Ilang beses na kitang pinagtangkaang patayin alam mo ba 'yon! Sa Malabrigo, mapapatay na sana kita kung hindi lang dumating si Warren!Ilang beses kitang sinubukang patayin pero laging dumarating ang punyetang Warren. Ngayon pa ba siya magbabanal-banalan? Kahit iligtas ka pa niya sa kahit anong uri ng sakit ay alam nating lahat na siya mismo ang magiging sanhi ng lahat ng sakit at pait mo. Sa Baguio, tangina ba't di ka pa natuluyan sa hagdan! Putanginang pag-ibig yan! Nakakaligtas ng buhay!" muntik na akong mapasigaw ng akala ko ay sasapakin ako ni Ashton buti na lamang ay agad siyang nadaluhan ng mga pulis at kinaladkad papaloob.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon