Chapter 24

8.2K 378 193
                                    

Chapter 24

I closed the car door and hurried into my parents' house. Tumatakbo kong inakyat ang hagdan. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto nila ay nadatnan ko si Mama na balot ng kumot ang buong katawan.

"'Ma, nandito na po ako." Pinanatili kong kalmado ang sarili kahit na kabado ako, dahil hindi biro ang init ng noo niya.

She opened her eyes slowly, and a weak smile appeared on her beautiful face. "Ang kambal—"

"Naihatid ko na po," agap ko.

She was always like this. Imbes na isipin ang sarili ay ang kambal pa rin ang bukambibig niya.

Tumayo ako at bumaba sa kitchen. Pagbalik ko dala ang medical kit ay sinimulan ko nang i-check ang temperature niya. 38.5°C.

"I'll take you to Imogen," I said, putting the thermometer back into the kit.

Nagtama ang paningin namin. "Lagnat lang 'to, anak. Ayokong pumunta sa hospital."

Ilang beses ko siyang pinilit pero hindi ako nanalo. In the end, I started monitoring her at home. Pinakain ko siya ng niluto kong lugaw kanina sa bahay, pinainom ng gamot at nai-check na rin ang vital signs niya. Good thing, I administered over-the-counter medicines before going here. Halos paubos na rin kasi ang stock na gamot dito sa bahay.

She gave me a sweet smile with her eyes watery due to fever.

"Limang kutsara lang ng lugaw ang nakain mo, 'Ma. 'Wag mo po akong ngitian nang ganyan," biro ko.

I also got a basin with cool water and washcloth. Pinunasan ko ang katawan niya at pinanuod lang niya ako.

"Are you okay?" she asked suddenly.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa.

"Napapansin ko ang kilos mo nitong mga nakaraang araw. Alam kong may problema."

"Get better first." Tuyong towel naman ang ginamit ko at pinunasan ulit ang katawan niya. "Magkekwento po ako, pero hindi muna ngayon."

Hindi ito ang tamang oras para ikwento sa kanya ang nangyayari. Ngumiti na lang siya at hindi na nagtanong. She fell asleep shortly afterwards.

I cooked lunch for us and called Rainer. Sinabihan ko siya na susunduin ko sila pagkatapos kong pakainin si Mama. She ate quite well and seemed to have enjoyed my sinigang.

I picked the twins up from school and they kept asking me about their lola. Pagdating sa bahay ay agad silang umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Hindi ko kinakaligtaang i-check at monitor si Mama na kahit naghahanda ako ng meyenda ng dalawa ay umaakyat ako sa kwarto.

"Sa bahay ka na lang muna, 'Ma," sabi ko pagkatapos i-check ulit ang temperature niya.

"May pag-uusapan kami ng Tita Handra mo. Dadating na rin 'yon. 'Wag mo akong masyadong alalahanin," nakangiti niyang sabi.

Maybe it was about the land they inherited from their parents. Hanggang ngayon kasi ay nagtatalo pa ang mga kapatid nila tungkol sa lupain sa Quezon na ipinamana kay Tita Handra. Sila ni Mama ang magkakampi simula bata kaya hindi na nakakapagtaka na sa tuwing may problema ay kay Mama siya tumatakbo.

"Until when will she stay here?"

"Saturday."

I nodded. Tamang-tama dahil kailangan naming mag-usap na pamilya sa Linggo kasama si Rogue.

I placed the merienda on the table, snatching the attention of the twins from the movie they were watching on Netflix.

"After the movie, you go to my room and take a nap. We'll go home after dinner." Umupo ako sa harap nila.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon