I Dark Palace I

8.8K 318 2
                                    


KABANATA IX

Third Person's POV

A hidden palace of darkness exists in a distant land where all forms of life have already vanished. Nothing but darkness fills the palace, both physically and in the lifeless minds and hearts of every creature who lives there.

Halos manuyo na at magkabitak-bitak ang lupang pumapalibot sa palasyo dahil sa kawalan ng tubig, mula sa nanunuyong puno at halaman sa bukana pa lamang ng teritoryo, walang kahit anong senyales ng buhay sa lugar.

Some of the shattered ground spews lava and fire. Idagdag pa ang nag-kalat na mga kakaiba at kakilakilabot na nilalang sa labas ng teritoryo. Mga nilalang na walang ibang nais kundi ang balutin ng kasamaan ang Grand Orleas. Even the sky is filled with nothing but dark clouds.

Any normal creature that spends even a minute there dies from suffocation due to the air's extreme toxicity.

Kahit sinong nilalang na nasa matinong pag-iisip ay kaagad na iiwas sa direksyon ng palasyong iyon oras na matanaw pa lamang nila ang bukana.

Ang isinumpang palasyo ng mga warlocks na tanging mga ito lamang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon sa Grand Orleas.

Sa loob ng palasyo ay naroon ang hukbo ng mga tauhan ng labing-tatlong miyembro ng coven. Nakahanda na sa kanilang susunod na planong pagsugod.

Sa gitna ay isang malaking simbolo ang nakaguhit kung saan kasalukuyang nakatayo ang labintatlong pinakamakapangyarihang warlock sa palasyo.

They do, however, lack one member.

"Nasaan si Lord Gallore?" Malamig na usal ng isa sa mga miyembrong nakapansin kaagad ng blankong upuan nito.

Before making eye contact with his fellow coven member, the person in the middle let a smirk slip from his lips.

"Just get used to him already. Siguradong kung saan na naman naglilibang ang matandang iyon." Natatawang komento nito bago tuluyang tumayo sa pagkakaupo.

"Bakit hindi na lamang natin umpisahan ang pagpupulong ng wala ito? I'm sure he'll be here any minute from now."

"Tss. That old hag. I'm done trying to understand what's going on inside that thick head of his." Naiinis na usal ng ika labindalawang warlock sa mga kasamahan nila. Sanay na sila sa ika-siyam nilang miyembro.

Kung kailan may importanteng pagpupulong ay tsaka ito nawawala. Pero wala namang magawa ang mga ito dahil mas nakakataas ang kapangyarihan ng matandang iyon sa kanila.

Lord Gallore is the coven's ninth most powerful warlock. He is, however, the 13th member to be appointed. Every year, they have this type of battle between each member to determine who is more powerful and thus arrange their rank based on their power level. Lord Gallore joined the coven as the 13th member and quickly rose to the ninth rank.

The three most powerful are also present, sitting silently on their high thrones.

"Let's just get this ritual started. Gallore knows what he's doing." Usal ng kanilang pinuno, Lord Casfir. Sabay-sabay na naiyuko ng mga ito ang ulo at nagpokus sa pag-uumpisa ng kanilang ritual.

Samantala, hindi din binuo ang buong lugar na ito para lamang pasukin ng kahit na sinong nilalang. Oras na tumapak ang mga ito sa teritoryong nasasakupan ng mga warlock na iyon ay mayroon ka lamang dalawang pagpipilian, maging alipin o maging alay ang iyong kaluluwa para sa mga diyos at diyosa ng kadiliman na kanilang sinasamba.

Mula sa malawak na palasyo matatanaw ilang kilometro sa harapan ang isa sa pinakamalawak na kagubatan sa Grand Oleas. Kagubatang wala pang kahit sinong manlalakbay na nakalusot ng hindi nawawala sa tamang bait. Sa madaling salita, nababaliw.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon