CHAPTER THREE

217K 9.3K 11.7K
                                    




CHAPTER THREE

"GROUP THREE, Dein Leigh Enrile, Rhemlyn Joice Fomero, Keziah Sirvey Gozon..." nagpatuloy pa sa pagbanggit ng pangalan ang professor.

Nagkatinginan kami ni Dein at palihim na nginisihan ang isa't isa nang masigurong magkakasama kami sa iisang grupo. Well, hindi naman na bago 'yon. Nasa primary pa lang, basta alphabetically arranged ang groupings, parati kaming magkasama. One of the resons why we became friends and now, best friends.

"Okay, first, we need a leader," ani Dein Leigh nang magsama-sama kaming group three sa reporting. "Siya ang mag-a-assign ng task sa bawat isang member. But of course, aside sa sarili niyang task, she'll check each member's finished assignments and make sure na tama ang ginawa natin. Also, siya rin ang magpapa-check sa mga prof."

"Rhemlyn Joice, lead the group," utos ko.

"What? Why me?" palag ni Rhemlyn Joice.

"Because I told you so," mataray kong sagot. "All of us will read the topic, don't worry."

Nainis man, walang nagawa si Rhemlyn Joice o mas kilala bilang RJ. Kaklase na rin namin siya mula pa no'ng primary at madalas na makasama sa groupings. We're not that close but we're not enemies too. She's just a normal BIS student, not one of those trying hard queen bees and mean girls. I like her when it comes to academics because she's smart and dilligent, she has the characteristics and qualities of a good leader. Perfect fit.

"Fine," RJ sighed and looked at me. "Go to the library and gather some books related to our topic. Mas magandang marami tayong reference." Binigay niya ang listahan sa 'kin. "Sisimulan ni Dein Leigh i-type sa Powerpoint ang questions. Ako nang bahala sa iba," ngiti niya.

"Cool," ngiwi ko saka nagpaalam para pumunta sa library.

Sa gano'ng oras, hindi ko inaasahang maraming secondary students ang naro'n sa library. Hindi na ako magtataka kung walang lecturer ang mga 'yon ngayon, dumaan din ako sa gano'n. Wala ngang lec, may seatwork naman kaya hindi rin makakatambay kahit sa Batibot lang.

Dumeretso ako sa bookshelves at hinanap ang mga librong kailangan ko. Nagpapalitan ang tingin ko sa listahan na binigay ni RJ at sa nakahilerang libro sa kaliwa at kanan ko, nakakahilo.

"Siya 'yong kapalit ni Bentley, he's from SIS." Hindi pa man ako umaabot sa gitna nang matataas at mahabang shelves ay narinig ko na ang bulungan ng dalawang college students sa harap ko. Base sa uniform, iba ang course nila. Both of them were peeping behind the books. Parehong nagpapatangkad para masilip nang todo 'yong nasa likod ng bookshelf.

So, that Bentley's famous, huh? Nakangiwi kong inilingan ang dalawang student at nagpatuloy sa paghahanap. Sumikat siya sa gano'n kaikling stay dito sa BIS? Unbelievable. Muli akong umiling at nalimutan na ang librong hinahanap ko. Binasa ko ulit ang listahan saka nagpatuloy.

"How can a person be this handsome?" muling sabi ng babae sa harap ko, hindi ko napigilang mainis. "Look at his face...grabe..."hinaplos ng isa sa dalawang babae ang libro na para ba'ng 'yong mukha ng lalaking pinag-uusapan nila ang nahawakan niya. "And look at those lips..." kinagat nito ang labi na para bang ibang labi na ang naramdaman niya. Napapikit ako sa inis.

Call me boring but isa talaga sa pinakakinaiinisan ko ay 'yong mga babaeng harap-harapang pinapakita na gusto o interesado sila sa isang lalaki. I mean, act like a lady. What's happened to actually being a lady? I still believe in modesty, manners, behaviour, proper etiquette and being prim. These girls' actions may be normal in our society, but they don't reflect a mindfulness of good etiquette. 

LOVE WITHOUT FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon