F o r g o t 21

1.2K 36 8
                                    

Alas tres pa lang ng umaga nang magising ka dahil sa bintana mong kanina pa nag-iingay.

Parang may kung anong bumato doon. Padabog kang lumapit sa bintana, binuksan mo ito at dumungaw.

"Hoy! Ano na naman bang klaseng trip 'yan ha?!"
Sigaw mo sa lalaking hindi medyo makita dahil maitim---joke, kasi hindi pa naman nagsunrise kaya di siya nakikita XD

Pero alam mo naman kung sino ito.
Kasi kumukulo ang buong katawan mo sa tuwing makikita mo siya e.

"Papasukin mo ako please, awkward naman kasi nito kasi parang nasa Romeo at Juliet tayo."
Pilyo niyang sabi sa iyo.

"Tama ka nga parang Romeo at Juliet nga."
Pagsang-ayon mo naman,

"Waaah! So may mangyayari nga sa atin, dun kasi ang lagi kong pinapanuod na part e."

Napairap ka nalang dahil ang manyak niya talaga kahit kailan.

"Bwisit, ako si Juliet!"

"Ako si Romeo!"
Sigaw niya

"Tanga ka! Ako si Juliet pero hindi ikaw ang Romeo ko! Kapal e!"

"Ouch naman! Nahuhurt si junior este ako!"

"Ewan ko sa'yo, matulog ka na nga! Istorbo ka e!"

Balak mo na sanang isara ang bintana pero,

"Hindi ako pinagbuksan ng parents ko sa bahay. Diyan na ako please?"

"Buti nga, idol ko na talaga parents mo!"

"Naman e, birthday na birthday ko tapos di ako umuwi sa amin."

"Tanga ka pala e. Bakit ka ba kasi nagstandby sa condo mo!"

Ang condo...sa pinangyarihan ng lahat! Noong nagdala sila ng foods! Omo! XD Haha!

"Ikaw kasi e."
Sabi niya pa

"At ako pa talaga!?"

"Hindi kita maintindihan, pagkatapos mo akong iwanan doon sa condo ko, hindi na ako nakapag-isip pa--"

"Wala ka namang isip e."

"Aish S.E.X. naman! Hindi na ako nakauwi ng bahay dahil sa mga sinabi mo!"

"Tsk. Pasok ka na nga!"
Iritable mong sabi at tinawag mo ang isa mong katulong na nasa ground floor, na pagbuksan si Josiah.

Hindi ka na bumaba kasi di mo style ang ganun. XD

Naghintay ka nalang sa tapat ng elevator. Nagtaka ka nga kung paano kayo nagkarinigan ni Josiah kanina e nasa 5th floor ka naman.

Bumukas na nga ang elevator at nakita mong nakasimangot si Josiah. Pinagmasdan mo siya sandali, mukhang planado yata ang ginagawa niya, naka pantulog na ang shunga tapos naka bedroom slippers pa! May dalang dalawang teddy bear na human size.

"O bakit ka nakasimangot?!"

"Akala ko ikaw ang nagbukas ng pinto sa akin kanina! May nagawa tuloy akong kasalanan!"

Napairap ka nalang at tinungo niyo ang isang room na kaharap lang ng kwarto mo.

"O bakit may nagawa kang kasalanan?"
Na curious ka naman bigla

"Yung katulong mo kasi, nahimatay."

"O bakit siya nahimatay? Ah siguro ang panget mo, hindi kasi sanay ang mga katulong ko sa panget e."

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon