[12] My One and Only You

8.5K 105 25
                                    


Chapter Twelve

AICEL

"Aicel, gising na!"

"Aicel, gumising ka na diyan. Kanina pa nag-iintay si Patch sa baba."

"Aicel, alas-kwatro na! Malelate tayo sa ball mamaya."

"AICEL! HOY GUMISING KA NA JAN!"

Sunud-sunod ang pagkatok niya sa pintuan ni kwarto ko. Ay wait. Hindi pala siya kumakatok. More on, sinisipa na niya ang pintuan ko. Halos sirain na nga niya e. Buti na lang ni-lock ko ito kaninang madaling araw.

“Hmp. Kuya naman e. Oo na, babangon na ako!” Bumangon naman ako saglit and seconds later, muli akong nahiga. “At matutulog ulit. Five minutes pa!” 

Sunud-sunod na naman ang pagkatok niya sa pintuan ko. Nakakainis talaga tong Kuya Troy ko! Ang ingay ingay. Kita na niyang natutulog yung tao tapos iistorbohin niya? Bastusan lang? Buti sana kung katulad niya akong hindi gumising ng maaga para magsimbang gabi no.

“Babangon ka ba diyan o gusto mong—“

“ETO NA OH. BABANGON NA! MALILIGO NA AKO.” Tumayo na agad ako. Kung hindi pa ako gigising, baka kilitiin ako ng Kuya ko. Alam niya kasing yun ang nagpapagising sa akin e.

 
Ay Grabe! Padabog akong pumasok ng CR at natulog ulit, eh este naligo pala. Si Kuya talaga, hindi considerate. Hindi ba niya naisip na nagsimbang gabi kami kanina? Maaga akong gumising kaya bagsak agad ako sa kama pagdating ng bahay. Antok na antok ako non!

Wala namang pasok ngayon upang makapag-prepare kami sa gaganaping ball mamaya. Epal ng school namin no? May nalalaman pang Christmas Ball, eh pwede namang Christmas Party diba? Kailangan pa tuloy naming magsuot ng dress dahil bawal magpants ang mga girls. Bawal din umabsent dahil magco-community service ang hindi aattend. Psh. Arte! 4pm na pala, 6pm pa kasi ang start ng ball namin. May two hours pa ako para matulog! Asar talaga si Kuya Troy. Bibilisan ko na nga lang ang pagligo para makatulog ulit ako.

After ten minutes ng paliligo, lumabas na ako ng banyo. Hindi na ako nagulat nang maabutan kong nag-aayos si Patch ng mga make-up kit, plantsa, curlers niya sa study table ko. Naka-jeans pa lang siya, t-shirt at converse. Wow, hindi pa siya nag-aayos?

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hinarap niya ako. “Mamaya na pagkatapos kitang ayusan.” Saka siya ngumisi. Oh my goodness! I know her that much. Kakaiba ang mga ngiti niya. I can sense something.

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. “H-Hey! Pumayag akong mag-heels tonight, but please, I will not wear any make-up.”

Natawa ito sa akin. Ugh! “What? Aayusan lang kita at lalagyan ng make up. Wag kang mag-alala, light make-up lang.”

“No way.” Walang makakapagpabago ng desisyon ko. Hindi ako magmamake-up. Mangangati lang ang muka ko diyan. Okay na ang pulbo.

“Please, Please? Hindi ko namang gagawing coloring book ang muka mo eh.” Nag-puppy eyes pa ito. I hate it when she do that!

“Patricia naman e. Nakakainis ka.”

“Hindi mo rin naman ako matitiis diba?” Lumapad lalo ang ngiti niya. Gets na niyang hindi ako makakatanggi sa pagpapa-cute niya sa akin. 

“I hate you!” Naiinis kong sabi sa kanya.

“I love you too!” Lumapit siya sa akin. “Wag ka na kasing kumontra. Tapos susuotin mo na yung gift ko sayo.” Lalo pa siyang ngumiti.

Tahimik lang ako nang higitin niya ako paupo sa upuan at sinimulang make-up-an. Pinapikit pa niya ako habang nilalagyan ng foundation sa muka. Wala rin, hindi na ako nakakontra sa kanya e. Hahayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari sa itsura ko. I trust her, at sinabi naman niyang light make up lang diba? Ugh! Hindi talaga ako mahilig maglagay ng blush on sa muka, at lipstick sa labi. Feeling ko pumapanget ako lalo at nagiging clown.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon