Chapter 25

1.2M 24.6K 6K
                                    

Chapter25

"Tara na, Besh!!"

Kasalukuyang hinahatak ni Aya si Alys papunta sa bahay nila Drake. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok.. at isa pa, ngayon ang isa sa rehearsal ng kasal nila Tito Steve at Katrina.

"Mamaya pa kaya yun, Aya! Masyado ka naman yatang excited??" sabi ni Alys habang nakakapit sa gilid ng pinto ng cr niya. Pilit kasi siyang kinakaladkad ni Aya papasok ng cr eh!!

"Eh bakit ba?? Namimiss ko na si Tito Steve!"

Sus. Ang totoo kayang dahilan ay dahil naaalibadbaran siya kay Kent. Alam niyo naman si Kent, nagffeeling masugid na manliligaw kaya nasa bahay nila Aya tuwing pwede. Jusko! Botong boto ang nanay ni Aya! Kulang na lang pilitin si Kent na pakasalan na yung anak niya eh!! Sabagay, pag ganyang cute and fluffy ang manliligaw ng anak mo, aarte ka pa ba? Hahaha!

>.>

Tinignan ni Alys si Aya like that.

"Ikaw ha.. May itinatago ka sigurong crush kay Tito Steve noh??" -Alys

Napaisip din kasi si Alys. Malay ba niya?? Eh kasi naman sobrang irita ni Aya kay Tita Katrina, kala mo ex boyfriend niya si Tito Steve at galit na galit siya dahil magpapakasal na sa iba yung ex niya. Ganun kaya ang drama ni Aya palagi. =___=

Umarteng masuka suka si Alys, "ay, ano tingin mo sa'kin? Fan ng May- December love affair?? Eh kung sinasapak kaya kita??"

Natakot naman daw si Alys kasi umamba talaga si Aya na sasaktan siya. Tignan mo 'tong si Aya.. sadista ata eh.

"Oo na po.."

Naligo na si Alys.

Si Aya naman, habang naliligo si Alys, ay nahiga sa kama at nagkalikot sa laptop ni Alys. Okay lang naman yun dahil halos magkapatid na yung dalawang yun. Sus, kulang na nga lang eh gawin na ding Perez ang last name niya.

After maligo ni Alys, nagbihis na din siya ng matinong damit. Syempre kailangan maganda siya! Nandun kaya si Tita Katrina eh alam naman nating lahat na mukhang anghel na yung babae na yun sa sobrang kagandahan! Kaya inlove na inlove si Tito Steve eh!

Bumaba na sila para kumain.

"Kain muna tayo," sabi ni Alys kay Aya. Kinakabahan kasi siya baka magutom si Aya bigla tapos dun pa sila magbreakfast kila Tito Steve! Kaya sila napagkakamalan na naghihirap eh!

"Dun na, late na kaya tayo," sabi naman ni Aya. Bahaha. Ang totoo niyan, may binabalak kasi sila ni Tito Steve kaya excited na siyang pumunta dun.

"Eh di mauna ka na. Dito ako kakain!!" sabi ni Alys sabay punta sa dining table. Nandun din kasi ang mommy at daddy niya.

Naupo na siya at nagsimulang kumain, "mommy, sabihin mo nga kay Aya kumain muna," sabi niya sa mommy niya. Hehehe. Alam niyang hindi tatanggi si Aya, takot niya lang kay mommy Dana noh! 

Tinawag naman ni mommy Dana si Aya at syempre, walang nagawa si Aya kung hindi maupo at kumain. =)))

"Alys, punta ka daw sa daddy Cyriel mo this weekend?" sabi ni mommy Dana.

Tumango lang si Alys. Ganito kasi ang set up nila, minsan dun siya nagwweekend sa daddy Cyriel niya. Yep, hindi niya talaga daddy si Andy but who cares? Siya ang nag iisang prinsesa ng daddy niya.. pero hindi siya nag iisang anak. Feeling niya lang since pinadala sa America yung little brother niya. Bakit? Ah basta! Soooobrang kulit kasi!!

"When will you go home? Clarence will fetch you," sabi ni Dana.

Tinignan ni Alys si Aya. Gusto niya naman kasing umuwi talaga ng maaga pero hindi natutuloy dahil sa mga kagagawan ni Aya! For example, nung kinulong siya sa kwarto ni Drake! Ayy, nakakaloka talaga si Aya, noh??

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon