Chapter 29: The King is back!

59K 1.4K 151
                                    

Important note: Please don't kill me after this. Sama kayo sa meet up ha! Love love!

Chapter 29: The King is back!

Ilang minuto na rin simula nang umalis silang tatlo mula sa kinatatayuan nila dito sa likod ng dorm pero ako, nakaupo pa rin dito sa tabi ng puno.  I’m still crying my heart out. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak. Am I sad? Happy? No. All I could feel is betrayal. I was betrayed by the people I trust the most. All this time, nasa tabi ko lang pala ang totoo kong tatay pero wala manlang ni isang nagsabi sa’kin—miski siya. Pinagmukha nila akong tanga. Ganon na ba kababa ang tingin nila sa’kin?

Tumayo na ako at saka pinagpagan ang suot ko. Pinunasan ko rin ang pisngi ko dahil basang basa pa rin ito dahil sa kakaiyak ko. Mag-uumpisa na sana akong maglakad pabalik sa kwarto naming ni Syn nang biglang kumirot na naman ang sugat ko.

“O-ouch!” Hindi ko alam kung natamaan ba yung sugat ko o ano dahil sobrang sakit na ng kirot nito. Itinaas ko ng konti ang sleeves ng longsleeves na suot ko para makita yung sugat. At napasinghap ako nang makita kong nasasakop na nito ang buong braso ko. It was just a small vampire bite yesterday. Ano’ng klaseng lason ba ang pinasa sa’kin ni Roanna?

Unti-unti akong nakaramdam ng pagsikip ng hininga. Pakiramdam ko, sinasakal ako kaya napahawak ako sa leeg ko. Unti-unti akong papaupo sa same spot na inuupuan ko lang kani-kanina. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kin! Unti-unti ring pumipikit ang mga mata ko. Bakit ako nagkakaganito?

“Aah—h-hel-p…” That was the last thing na nasabi ko. Hindi na sapat ang lakas ko para makasigaw pa. Gusto ko mang labanan ang lasong gumagawa ng ganito sa katawan ko pero hindi ko alam kung paano. Hanggang sa nararamdaman ko ang unti-unting paglapat ng ulo ko sa lupa at ang pagkawala ng isang luha mula sa mata ko. Then everything went black.

Viex, please save me.

 

 

**

 

“Bakit dun niyo siya nakita?”

“Oo nga, Wren. Hindi kaya may ginawa na naman si Roanna sa kanya?”

“Damn that bitch! Sisiguraduhin kong mamamatay siya pati na rin ang mga kalahi niya!”

“Relax, Syndrie. Baka magising mo si Heiress.”

“I’m sorry.”

“Viex? Kayo ni Wren ang huling lumabas dito diba?”

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon