CSS 10 | I always love you day, afternoon and night
Kung gusto mo bakit hindi mo ipagpatuloy?
Iyan ang umiikot sa utak ko ngayon, tatlong araw na ang nakalipas. Alam mo 'yon? Feeling ko ang gago ko dahil sa ginagawa kong pag-iwas kay Ivory.
May karapatan ba akong umiwas?
Hindi ko alam kung dapat bang bigyan ng big deal ang nangyari noong nakaraang araw. Nahihiya ako na nasaktan, may rules ba na bawal magdrama ang mga lalaki at masaktan?
Kasi hindi ba lagi nilang sinasabi na ang mga lalaki dapat ang matatag, they should be tough enough to handle everything but the truth is we're also fragile. We men can feel what others can feel, we can feel embarrassment, hurt and sometimes there's this unspoken barrier to us stopping us to tackle about our problems. Why? Kasi nga lalaki kami.
“Baka naman malasing ka riyan..” I glanced at Gremory who's now busy reading his favorite mathematics book. “Nitong mga nakaraang araw puro Tang na juice ang iniinom mo. ” He said with a matter in fact tone. “Magtubig ka naman paminsan-minsan baka ikamatay mo 'yan ng maaga.” He said. I didn't answer, I just sighed then continued drinking my strawberry flavored Tang Juice.
Gusto kong malasing pero dahil menor de edad palang ako at siguradong tsi-tsinelasin ako ni mama kapag nalaman niyang sa murang edad ay marami na akong bisyo idagdag pa ang rason na hindi ko afford ang alak kaya roon tayo sa juice.
I roamed around, absent si Xerxes kaya't kaming dalawa lang ni Gremory ang nagtitiyaga sa isa't isa. Siguradong mabigat ang dahilan ni Xerxes kaya ito nag-absent, kahit naman kasi siraulo 'yon ayaw na ayaw nitong nag-aabsent. “Baka dahil sa lolo niya ulit,” I whispered.
Ayaw ko mang makielam pero parang nasa teleserye ang kwento ni Xerxes. Tipikal na kontrabida ang lolo niyang against sa pag-iibigan ni Tito Xenon at Tita Nerveila kaya nagpasiya silang magtanan at fortunately pinanganak sina Kuya Xenvri at Xenver tapos si Xerxes na. Oh, 'di ba? Lakas maka teleserye.
“Ivory seems bothered. ” Biglang sabi ulit no Gremory. “She always ask about you, she can't even focus on reviewing,” hindi ako kumibo. Tinitimbang pa ang magiging desisyon ko. “That's why Deiry is always pissed.” Bumuntong hininga siya ng napakalalim na para bang pasan nito ang mundo. “And because of Ivory being bothered we always ended up reviewing Deiry.. Just the two of us and she's always throwing death glares on me..” Anito.
Napakamot batok ako. Naku, si stone cold girl pala. Talagang hindi ko masisisi si Gremory kung bakit problemadong-problemado ito. Hindi ko rin alam kung bakit mas triple ang pagka-inis ni Deiry kay Gremory.
Kung sa akin ay inis ito at sa iba kapag si Gremory ay kulang nalang batuhin niya ng granada kapag nakasalubong.
Bakit kaya? “Edi magskip ka nalang ng review session.” Simpleng sabi ko. “Para namang mahihirapan ka kapag 'di nagreview ng isang araw.”
Umiling ito. “I can't.. ” Hindi nakaligtas sa akin ang pagkataranta sakanyang mukha. “Dorothy.. Deiry..” Aniya at sinapo ang ulo at parang namomoblema ulit.
Jusmiyo, sana ayos ka pa Gremory.
━─━────༺༻────━─━
Malakas ang sigawan sa court. Walang pag-aalinlangan kong shinoot ang bola sa ring na naka-ani ng mas malakas na ingay mula sa mga kasamahan ko't manonood.
Pumito ang referee senyales na tapos na ang laban. Ngiti-ngiti kaming mga manlalaro. Advance na kami para sa regional.
Naramdaman ko ang pagbigat ng kung ano sa ulo ko. Tumingala ako't nakita si coach na masayang nakatingin sa akin. “Well played Rossweisse..” Anito.
YOU ARE READING
Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery
Romance[FIN] Sitio Series 2: Rossweisse Seth Victoria a basketball player and Mr. Friendship of the campus. Inspired by her mother's profession, he loves to capture different sceneries as well creating a content for his vlog. Sitio Nga-Nga the place whom...
