CHAPTER 16

2.3M 45.3K 11.2K
                                    

CHAPTER 16

"SIYA ba ang ipinalit mo sakin?" Careen's voice brought him back from his reverie. "Well, I got to give it to you, maganda siya. Pero mas maganda pa rin ako. Kaya naman hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya. No way. Akin ka."

"I'm not yours, remember?" Aniya saka naglakad palayo rito. "Baka nakakalimutan mo, nakipag-hiwalay ka sakin. At di'ba sinabi ko na sayo sa Boracay na hiwalay na tayo for good?"

Sinundan siya ni Careen. "Dahil sa babaeng 'yon, nakipaghiwalay ka sa'kin! Bakit? Ano ba ang mayroon siya na wala ako?"

"Ikaw ang unang nakipaghiwalay sa akin, Careen." Humarap siya rito. Careen rolled her eyes. "I was just mad at you." Napasimangot ito at yumakap sa kaniya saka naglambing. "Come back to me, Ty. You know I love you. At alam ko rin naman na mahal mo ako."

Napabuntong-hinga siya. "Careen, sinabi ko na sayo diba, ayoko nang makipagbalikan sayo."

Tumaas ang kilay nito. "At bakit? Dahil ba sa babaeng 'yon?"

"Walang kinalaman dito si Raine."

"Ows?" Sarkastiko itong ngumiti. "E ano 'yong nakita ko kaninang selos sa mga mata mo ng makita mong magkasamang umalis ang kaibigan mo at 'yong babae mo?"

Matalim ang mga mata na pinukol niya ito ng tingin. "Hindi ko kailangan ang opinion mo, Careen. Walang kinalaman si Raine sa hindi ko pakikipag-balikan sayo. And Dark is not my friend." Nakatiim-bagang na aniya ng maalala ang magkasiklop na kamay ni Raine at ni Dark.

Careen tsked. "Huwag ako ang pinaglololoko mo, Tyron. Alam kong kaibigan mo si Dark. Lahat ng business partner mo ay kaibigan mo." Ngumisi ito. "Bakit Tyron, masakit ba na makita ang babaeng 'yon na ibang lalaki na naman ang nilalandi?"

Nagdilim ang paningin niya sa sinabi nito. Ikinuyom niya ang kamao at mariin ipinikit ang mga mata. No! I can't lose control! No! Pilit niyang pinapakalma ag sarili pero paulit-ulit na parang sirang plaka na nagri-replay sa utak niya ang magkahawak na kamay ni Raine at Dark at mas lalong nadadagdagan ang selos at galit na nararamdaman niya. Because of the jealousy he was feeling, all his rationale thought flew away. Hindi na siya makapag-isip ng tama.

"Relax, Tyron." Careen's voice brought him out from his dark reverie.

"What?" He growled. His mood darkened even more.

"Nothing," Mabilis nitong tugon at inilapat ang labi nito sa labi niya.

Mabilis niyang ini-iwas ang mga labi saka huminga ng malalim. "Umalis ka na, Careen. Wala kang mapapala sa'kin."

Sa halip na umalis ay ngumiti ito sa kaniya ng pagkatamis-tamis. "I'm staying. And I will have you back again, my Tyron."

"Okay. Suit youself. Basta binalaan na kita." Tinalikuran niya ito at tinahak ang daan na tinahak ng dalawa kanina.

Isang suntok lang and then I'll be fine. Pagka-usap niya sa sarili.

Nang makapasok sa harden, kaagad niyang nakita si Raine at Dark na naka-upo sa gilid ng maliit na pond at nag-uusap. His mood darkened even more.

"Dark." Tawag niya sa atensiyon nito.

Kaagad naman itong lumingon sa direksiyon niya at ngumiti ng makita siya. "Hey, Tyron." Tumayo ito at inalalayan patayo si Raine samantalang hindi naman yata ito imbalido. "Mag-uumpisa na ba ang meeting natin?"

"No. I came here to tell you that our deal is off. You will not be investing in my company." Pagkasabi niyon at malalaki ang hakbang na umalis siya sa garden.

He scowled when he heard footsteps behind him.

"Zapanta, come on! Hindi mo puwedeng gawin 'yon."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. "Of course I can do that. It's my company and my word is the law. When I say you're not invited to invest in my company, then you're not."

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon