Kabanata 3

3.2K 144 48
                                    

Kahit masakit ang katawan dahil sa nangyari kahapon ay pinili ko pa ring bumangon. Grabe! Para akong binugbog ng limang tao na wala man lang akong kalaban-laban. Kasalanan 'to ni Reyster eh! Maayos naman akong nakauwi kagabi, pumasok pa nga ako sa trabaho eh. Ni wala nga akong nararamdamang kahit anong pananakit ng katawan... ngayong umaga ko lang naramdaman lahat. Anak ng tupa!

Hindi iyon ang unang beses na mayroong nangyari sa aming dalawa. Sa totoo nga ay maraming beses na pero nag-iingat naman kaming dalawa. Gumagamit siya ng proteksyon dahil kahit nasa legal na edad na kami ay alam naming hindi pa rin namin kakayanin ang malaki at panghabang-buhay na resposibilidad.

Iika-ika akong lumabas ngunit nang makita ko si Nanay na nagwawalis sa sala ay agad akong umayos ng tayo at nagpanggap na maayos ang lakad. Dumiretso ako sa kusina para sana magtimpla ng kape ngunit gano'n na lang ang pagsimangot at pagkasira ng araw ko nang makita ang pinsan kong hunghang na nakikilantak na naman ng almusal namin sa kusina.

Kumakanta pa siya habang nilalagyan ng sandamakmak na itlog ang pandesal. Nakangisi itong lumingon sa akin. "Hi cousin of the world!" energetic niyang bati sabay kagat nang malaki sa tinapay.

Sumilip ako sa pinggan at halos umusok ang ilong ko nang makitang katiting na lang ang itlog na tinira niya. Marami pa kaming hindi kumakain! Tulog pa 'yong mga kapatid ko! Anong kakainin nila paggising?!

Sinamaan ko siya ng tingin, dinampot ko ang sandok na nakapatong sa lamesa at nanggigigil na hinampas iyon sa sa kaniya.

"Aray ko naman, cousin of the world!" daing niya at pagak akong natawa.

Sinundan niya ng tingin ang hintuturo kong nakaturo sa pinggan at kapagkuwan ay ngumuso siya at pinikit-pikit ang mga mata na para bang nagpapa-cute. "Nagtira ka pa, Jose Carlo! Sana inubos mo na, nahiya ka pa!"

"Aba, Maria Eloisa, pasalamat ka pa nga't nagkaroon ako ng konting hiya!" singhal niya pabalik sa akin kaya naman mas lalong umusok ang ilong ko sa inis.

Nasira na ni Jolo ang magandang umaga ko kaya imbis na kumain ay naligo na lang ako at gumayak na papasok sa school. Tatlong subject lang naman ang mayroon kami ngayong araw.

Alas-diyes ang simula ng unang klase ngayong umaga at ang huling subject naman ay ala-una ng hapon matatapos. Papasok ako nang maaga ngayon para naman makapagpa-good shot ako sa mga Professor ko. Madalas kasi akong late kung pumasok na siyang ikinagagalit ng ilang Prof. May mga gano'n kasing klaseng Professor, may iba na ayaw na na-la-late tapos may iba naman na walang pakialam.

"Pasok na 'ko, Nay," paalam ko at akmang lalabas na ng pinto nang pigilan niya 'ko.

"Eloisa... sandali. Puwede ba tayong mag-usap?"

Kumunot ang noo ko dahil sa hindi maipaliwanag na tono ng boses nito. Nagtataka man ay dahan-dahan akong tumango at lumapit muli papalapit sa kaniya. Umupo ako sa lumang sofa na katapat lang niya.

She looked at me using her weary eyes, kahit nakangiti siya sa akin ay hindi pa rin makakaligtas sa mga mata ko ang nakatagong matinding lungkot sa kaniya. Tila mayroong kumurot sa puso ko kasabay ng pangigilid ng luha ko sa mga mata. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal kaya unti-unti akong yumuko at tumitig na lang sa mga kamay ko.

"Ililipat na sa malayong kulungan ang Tito mo..." Nanginig ang boses niya nang sabihin niya ang katagang iyon. "Pumunta ako sa presinto kahapon at sinubukan kong makiusap sa kanila na baka kung pu-puwedeng huwag na lang muna nilang ilipat ang Tito mo, na hahanap ako ng paraan para makapagpiyansa siya p-pero..."

"Pero ano, Nay?" mariing tanong ko at mas naging atentibo sa pakikinig sa kaniya.

Nagsimulang manubig ang kaniyang mata at ilang saglit pa'y tuluyan na itong humagulhol ng iyak. "P-Pinagtawanan lang nila ako! Ang sabi pa no'ng isang Pulis, paano raw tayo makakahanap ng paraan ay mahirap lang daw tayo? A-At isa pa, masiyado rin daw mabigat ang kaso ng Tito mo... imposibleng makalaya pa siya."

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon