CHAPTER 10

8.6K 260 5
                                    

Maaga pa sa sikat ng araw nang magising ako dahil na rin sa pagkalam at pagkulo ng sikmura ko. Nakalimutan ko na kasing kumain kagabi pagkauwi ko dahil pagkaligo ko ay para na 'kong hinahatak kaagad ng kama ko kaya maski magbihis ay hindi ko na nagawa kaya tanging bathrobe lang ang suot-suot kong natulog.

Hindi ko na rin nagawang tawagan si Allison, pero nakapagtext naman ako sa kanya na nakauwi na 'ko. Bumangon ako at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagkabukas ko ng ref ay gaya ng inaasahan ko tanging mga tubig nga lang ang laman nito dahil hindi pa 'ko nakakapag-grocery para sa month na ito. Masyado kase akong naging busy sa mga nagdaang araw kaya hindi ko na naisingit pa sa schedule ko.

Matapos kong uminom ng dalawang basong tubig ay dumiretso ako sa counter table at naupo sa stool. Kumuha ako ng isang apple mula sa bowl na nakapatong dito at mabilis iyong kinagatan. Ito na lang muna siguro ang ilalaman ko sa tiyan ko tutal magb-breakfast din naman kami ni Allison maya-maya lang.

Nang matapos kong kainin ang apple ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Saktong six o'clock ay nakabihis at nakapag-ayos na 'ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang hitsura ko sa salamin.

I just wore a simple black trousers and black fitted top. Left shoulder ko lang yung may strap at sa right naman ay wala kaya bahagya kong itinaas ang kapiraso kong damit sa right side para hindi bumaba at pumatay sa left side. For my feet naman I just wore peep toe heels to match my outfit. Hindi na 'ko nag-suot ng kahit anong jewelry dahil paniguradong huhubarin ko rin naman 'yun once na pumasok ako sa operating room but I wore my wristwatch because that's essential for me. May kaartehan din talaga ako sa pagdadamit at pag-aayos. Sa tingin ko naman ay normal na 'yun at hindi na mawawala sa isang babae.

Matapos makitang ayos na ang suot at mukha ko ay tinungo ko ang nightstand ko para hugutin sa pagkaka-charge ang cellphone ko. I put my phone inside of my bag and got my car key. After checking everything inside of my room I finally exited it and went straight to my main door.

I leave my unit at bumaba na rin sa parking lot para kunin ang kotse ko doon. Nang makasakay sa kotse ko ay binuksan ko ang cellphone ko para mag-text kay Allison na papunta na 'ko. Agad naman siyang nagreply na maliligo na daw siya kaya nagsimula na rin akong mag-drive. Bago tuluyang makarating sa bahay nila ay nagpa-gas muna ako para hindi na 'ko ma-hassle mamaya. Nagpa-full tank ako kaya medyo matagal.

Grabe! Pamahal na ng pamahal ang gas ngayon. Nakakasira sa monthly badget ng tao! Few more moments, I finally arrived at Allison's house. Pagkaparada ko sa tapat nila ay bumusina ako ng tatlong beses bago bumaba. Saktong pagkababa ko naman sa kotse ko ay siyang pagbukas ni Allison ng gate nila.

She immediately smiled when she saw. She slayed so beautifully this morning. She's currently wearing her high waisted light blue denim jeans and white-cream satin sleeveless top and heels for her feet. Nakatali into pony ang hair niya kaya angat na angat ang hindi maipagkakailang beauty niya.

"Good Morning!" She energetically uttered and ran to me.

She embraced me so tightly and I immediately embraced her back. I kissed her forehead before pulling away.

"Mornin'... Nasa loob pa parents mo?" Tanong ko at sinulyapan ba saglit ang bahay nila.

"Oh, wala na. Kakaalis lang nila. Actually, nagkasalisihan lang kayo. Why?"

"Ah, wala. I'll greet them good morning rin sana tapos papaalam kita," Napabulaghati naman ito ng tawa dahil sa naging sagot ko.

"What am I? A teenager para ipagpaalam mo pa?" Wika nito sabay tawa ulit.

Anong nakakatawa? Wala namang nakakatawa dun, ah.

"It's sign of respect, Aly.. Isn't it brutally rude na sinundo kita tapos nasa loob lang sila at hindi man lang ako babati at magpapaalam na kukunin kita, when in fact you spent your night here last night. They are your parents, Aly. I should highly respect them as I respect you." Mahaba kong lintaya.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon