Veintiséis

149K 3.1K 74
                                    

Veintiséis

Dumaan ang ilang mga araw. Patuloy pa rin si Luke sa pangungulit niya. Dinadalhan niya ako ng mga bulaklak at kung ano ano pa dito sa ospital. Sa totoo lang ay gustong gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko tuwing may gagawin nanaman siyang kalokohan.

Nagsimula na ngang machismis ako dito. Nakakainis nga eh! Yung inaakala kong tahimik na pagtatrabaho ay napalitan ng mga issue. Binibigyan ako ng mga masasamang tingin ng mga kapwa ko nurse idagdag mo pa ang ibang doktor na babae na mukhang type na type si Luke.

"Chocolates nanaman?" Ani Yenny pagkakita sa hawak kong box ng tsokolate. May nakalagay na Ferrero Rocher sa harap.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.

"Naku! Baka mamaya n'yan magkadiabetes ka na sa kakabigay niya ng mga matatamis ah!" Pangaasar niya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ako pa ang magkakaroon ng diabetes ah? Siya kaya yung umuubos ng mga binibigay ni Luke sakin. Isang beses pa nga lang ako nakakain eh.

"At ako pa sinabihan mo niyan, Yenny, ah? Sino kaya sa ating dalawa ang umuubos ng mga ito?" Tukoy ko sa tsokolate.

She pouted. "Eh kasi hindi mo naman kinakain! Sayang naman kung hindi ko lalafangin. Ang mahal mahal pa naman ng mga iyan. Pasalamat ka pa nga dapat at hindi nasasayang ang mga binibigay ni fafa Luke!"

I rolled my eyes. "Sige, sabi mo eh. Oo nalang."

"Hmp!" Sabi niya sabay kuha sa hawak ko. Automatic naman na kukunin na niya ang mga iyan. Tama naman siya eh, masasayang lang kasi hindi ko ito kakain. Mas mabuti pang ibigay ko nalang kay Yenny kesa masayang.

Sinimulan ng kainin ni Yenny ang mga tsokolate. Break namin kaya nandito kami. Nagsimula na rin kami magkwentuhan ng kung ano anong mga bagay. Natigil lang kami ng may pumasok na dalawang nurse na galit sa akin dahil lang kay Luke. Hindi na sana namin papasinin eh kaso biglang nagparinig.

"Oh! Tignan mo nga naman! Nandito pala yung gold digger nating nurse!" Sabi ni Kitty. Yung mukhang sinubsob sa harina na nurse.

"Tsk! Oo nga eh! Tignan mo oh! Mukhang masayang masaya nanaman dahil binigyan nanaman siya ng chocolates ni Sir Luke! Malandi talaga! Palibhasa probinsyana kaya gustong gusto makabingwit ng malaking isda dito sa Maynila!" Panggagatong naman ni Pepsi kay Kitty.

Napakuyom palad nalang ako. Hindi ko sila papatulan. Never! Dahil pagpinatulan ko sila, magmumukha akong guilty tsaka hindi ko sila kalebel para pagbigyan ko ng pansin. Aawayin na sana ni Yenny kaso hinawakan ko ang kamay niya na para bang sinasabi na hayaan nalang sila. She looked at me at as usual, ngumiti lang ako at umiling. Bakit ako magpapaapekto eh hindi naman ako yung lapit ng lapit. Hindi ako yung naghahabol. Kay Luke kaya sila maggagaganyan!

"Tara na nga, Pepsi! Baka mahawaan tayo ng kalandian ng mga tao dito!" Sinarado ni Kitty ang locker niya at umalis na silang dalawa.

Natawa nalang kami ni Yenny pagkalayas nila.

"Sarap sabunutan ng mga bakla!" Gigil na tili ni Yenny dahilan para matawa ako lalo.

Tagapagsalaysay

Maingay ang lugar. Mausok. Maraming wild na mga tao. Sa isang banda sa loob ng isang sikat na bar sa Metro Manila ay may dalawang kaibigan na nagkakasiyahan. Idagdag mo na ang mga babaeng kasama ng mga ito.

"Babe, I'll just go to the restroom. Be right back." A redhaired woman gave the guy beside her a torrid kiss before standing up.

The guy just gave her a nod. Pagkaalis ng babae ay may nagtanong sa kanya.

"Luke! Dude! Balita ko you're hitting this chick ah! And sabi nila, nurse pa sa hospital niyo! Are the rumors true?" A dude with midnight black eyes asked him. A friend of his. They are not that close but he's good enough to be his drinking buddy. His name is Raven Santivilla, a fucking rich businessman. May-ari ng isa sa mga sikat na beer and wine company sa bansa.

Luke grinned. "Yeah."

The guy named Raven laughed. "Another one of your flings or should I say barbie dolls?"

Luke raised an eyebrow. He is not pleased at what he just heard. "You're wrong, Mr. Santivilla. She's different than any other girls that I hooked up with." He hissed.

Kumunot ang noo ni Raven sa sinabi ni Luke. "Is that you my friend? Are you that drunk already?"

Tinawananlang siya nito. "Nah. I'm sober as hell! I'm dead serious about what I told you awhile ago, Raven."

"Is this for real?" Hindi makapaniwalang anito. "Wow just wow! Ladies and gentlemen! The freakin asshole drinking buddy of mine just changed!! Cheers to that!" Iniangat niya ang isang basong may laman na Jack Daniels. Ganon din ang ginawa ni Luke at ngumisi.

Raven took a sip. "But dude how about your chick Scarlett? The girl just went inside the restroom two minutes ago."

He smirked. "Oh, don't mind her.."

Nakangising umiling nalang si Raven sa sinabi ng kaibigan. "Typical Lucas Saavedra."

-SA KABILANG DAKO NG MANILA-

"Son, when will you be doing this? People all over the country knows that you are already long gone." Sabi ng isang matandang lalaki habang iniinom ang scotch niya.

"Soon. I just need to gather all the things that I need." Tanging sagot niya sa matanda.

"Detective called me this afternoon to give me an update. Hinahanap na niya ang lalaking nakita sa cctv na nag tanggal ng preno mo. There's really no such thing as a perfect crime in this world. Tsk tsk." The old man said to him in a monotonous tone while shaking his head.

He looked at him with so much coldness in his eyes. Cold enough to freeze the whole Sahara Desert.

"I know, old man. I know. And I already know who planned all of these." He declared with so much hate and anger dripping in his voice.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon