🔰010🔰INDIRECT CONFRONTATION

362 58 3
                                    

INDIRECT CONFRONTATION
~•~•~•~•~•~

010

Shaina's Pov

"Gusto kong protektahan ka."

HINDI AGAD ako nakasagot sa sinabi niya. Ano daw? Protektahan ako? Bakit, at kanino?

Ano bang iniisip ng lalaking to. Nalasing ba to kanina o nalason.

"Ano?" Grabe. Sa tinagal tagal kong makasagot yan lang ang lumabas sa bibig ko. Ano bang nangyayari sakin.

Lumapit pa siya sakin kaya napaatras naman ako ng kunti hanggang sa nasa likuran kona ang kama ni ate. "Ang sabi ko..." Saad niya.

Tumahimik siya saglit. Parang gusto niyang makabisa ang buong mukha ko dahil titig na titig na talaga siya. "Ano nga." Naiilang na ako ah.

"Ang sabi ko..." Binitin na naman niya. Ang sarap sipain talaga eh. Gusto niya ba talagang mabugbog? Bakit ba kasi hindi nalang niya ako diretsuhin.

".... matulog kana." Ayan na ang kadugtong. Pero.

"H-hah?" Naguguluhan ako. Parang iba naman yung sinabi niya sa una at ngayon eh. Nakalimutan ba niya o naglilimut limutan lang. Hayss. Kung hindi lang ako naghihinayang diyan sa pagmumukha mo kanina pa kita tinadtad ng scalpel ata tawag dun eh.

Yun kasi ang narinig ko kay kuya Stuart. Naaalala ko, bata palang siya lagi na siyang nagpupunta sa mundo ng mga normal. Yung mundo na walang kapangyarihan at tanging ang kapangyarihan lamang nila ay nag iisa, walang iba kundi pera.

Kaya nga ayaw talaga ni kuya dun pero dun naman siya natutong mag aral ng medisina. Kahit na may kapangyarihan pa siya, mahalaga parin sa kanya ang kaalaman. Healer nga siya diba? Sus.

"Nang-aasar kaba?" Poker face kong tanong sa kanya.

"Hindi. Bakit, may nasabi ba ako? Matulog kana kasi tingnan mo namumutla kana rin." Sagot naman ni Phansa.

"Hayss. Bahala ka." Maktol kong sagot naman dito tsaka padabog na nahiga sa isang mahabang upuan dito sa tabi.

"Oh." Sabay hagis nito ng kumot sakin kaya kung hindi ako alerto nasubsob na yun sa mukha ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka bigla siyang natawa.

Matutulog na nga lang ako.

~•~•~•~

Seth's Pov

Mukhang nainis talaga siya. Bakit ba ang cute niya kapag naiinis. Sinubukan kolang naman siyang asarin ng kunti para mawalan ng kunti ang pag aalala niya sa kapatid.

Hindi ko alam kung tumalab pero sa tingin ko, gumana naman.

Pero totoo lahat ng mga sinabi ko. Ang tatlong rason kung bakit ko siya tinulungan ay dahil gusto kong tulungan niya rin ako para mahanap si Noah.

Hindi ko alam pero masyadong magaan ang pakiramdam ko sa kanya mula nung makita ko siya sa gubat—hindi. Simula nung makita ko siyang lumaban sa gitna ng arena.

Matapang siya at hindi man lang natakot kahit saglit sa kalaban niya. Maliliit ang mga braso niya pero magaling siyang humawak ng espada at mahusay rin siyang kumontrol sa kapangyarihan niya ng tama.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon