Chapter 6

329 33 14
                                    

(Gulf)

Nagulat ako sa nangyari pero hindi ako natakot kay Babe.

Kitang kita ko sa mga mata ni Babe kanina kung gaano siya kagalit.

Hinawakan ko si Babe sa braso para pakalmahin siya.

Nakita ko kung paano lumambot ang expression niya.

Tumingin ako sa labas kung saan hinagis ni Babe yung sumigaw sa'kin kanina.

Namamalipit siya sa sakit, naawa ako sa kanya at gusto ko siyang tulungan pero ayaw kong isipin ni Babe na sa iba ako nakakampi at saka kasalanan niya rin naman kung bakit siya nasa sitwasyon niya ngayon. Kung maayos lang siya nakipag usap sakin at tinanong ako kung bakit ako nandito, hindi sana siya masasaktan.

Nakahawak lang ako sa braso ni Babe habang nakatingin naman siya sakin, sinusuri niya ang mukha ko.

May dumi ba ako sa mukha?

Napakurap ako ng hawakan niya ang pisnge ko at ang kaninang kalmado na ay bigla na lang ulit nanlisik ang mata.

Tumalikod siya sakin at humarap muli sa taong nasa labas.

"YOUUUU!!! Anong ginawa mo kay Gulf?"
Malakas na sigaw niya dito at kinuwelyuhan ito.

Nagtaka naman ako kung ano ang tinutukoy ni Babe kaya dali dali akong tumakbo sa itaas.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay lumapit agad ako sa salamin at nakitang may maliit na gasgas ako sa mukha.

Nahablot ni Art ang mukha ko kanina pero di ko naman alam na nagkaroon pala ng gasgas.

My phone vibrated, dinampot ko ito and I saw Mild's name flashed on my screen.

Mild: Hello!

Gulf: Mildddddd!

Mild: Gulfffffffff!

Gulf: ano ba bakit ba sumisigaw ka?

Mild: eh bakit din ba sumisigaw ka?

Gulf: Milddd, nakita ko na si Babe!

Mild: Sinong babe?

Gulf: Si Babee!

Mild: Punyeta sino ngang Babe yan.

Gulf: si Babe, Si M!

Mild: You mean...si M! Yung matagal mo nang hinahanap???

Gulf: oo

Mild: Pa'no mo nahanap?

Gulf: Siya pala si senyorito, yung may ari ng bahay na pinagtatrabahuhan ko.

Mild: Grabe din talaga ang tadhana, Imagine ang tagal tagal mo na hinahanap siya tapos nasa bahay lang pala kung nasaan ka nagtatrabaho mo siya makikita.

Gulf: Kaya nga Mild, alam mo ba na sinabi niya sakin na matagal na niya rin akong hinahanap! Saka ang bait bait sakin ni Babe.

Mild: wait...paki ulit nga yung sinabi mo.

Gulf: sabi ko, Ang bait bait sakin ni Babe.
Ano bang nangyayari sayo na bibingi ka na ba?

Mild: Babe??? Gulffff isa ka talagang haliparot. Bakit babe?? Nabutas na ba ang butas?

Gulf: Huh??? Hindi kita magets.

Mild: Nabutas na ang butas??? Nakambyo mo na ba ang kambyo?

Gulf: Mild ano bang sinasabi mo.

Mild: Gulf Kanawut Traipipattanapong, napasukan na ba ng kambyo ang mahiwagang butas papuntang encantadia.

Gulf: Ano bang sinasabi mo, kung ano ano kaseng pinapanood mo. Muka kang timang.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now