10

591 23 6
                                    

It's gala day with my one and only bestie , my sunshine , my most favorite person and the most adorable Ni-ki .. di naman halatang whipped for Ni-ki ako pero walang malisya yan hoy .. baka kung ano iniisip nyo .

excited akong maka bonding sya ulit .. matagal na din nung huling kaming gumala tas kasama pa namin yung iba .. gusto kong masolo ngayon best friend ko kahit na may kahati ako huhu pero char okay lang naman sakin nag iinarte lang naman ako hahaha

masaya akong nag aayos nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko

" pasok lang , bukas yan " bumukas ang pinto at nakita kong si dad yung papasok

" hi dad .. good morning !" pagbati ko dito

" good morning din anak , may pupuntahan ka yata .. naka bihis ka ah "

" gagala kami ni Ni-ki ngayon dad , matagal na rin kaming di nakakagala.. at marami kaming chikang pag uusapan .. you know , best friend things hehe " tumango naman sya

" ahh matagal na ding di naka punta dito si Ni-ki ah , imbitahan mo naman minsan .. gusto kong makipag kwentuhan sa batang yon " luhh si dad .. miss si Ni-ki haha

" miss mo na sya nyan dad ? haha " pagbibiro ko sa kanya na nagpangiti naman kay dad

" ewan ko sayo anak .. basta sabihan mo ako kapag pupunta sya dito ah?"

" sige dad .. pero bakit ka nga pala nandito ? " tanong ko sa kanya .. di naman yan pupunta dito mismo sa kwarto ko if wala syang sasabihin

"oh right! muntik ko nang makalimutan ,buti nalang pinaalala mo anak"

"nagiging makakalimutin ka na minsan dad .. signs of aging na yan " sabi ko naman na pabiro

"siguro nga anak kaya kailangan mo nang magpakasal para makita ko na mga apo ko " napaubo naman ako sa sinabi nya ..

" di ko alam na ganyan ka pala ka excited dad .. pero diba nga ayoko pang magpakasal "

" pero anak , ito nga yung sadya ko dito ngayon .. iseset na natin yung engagement nyo ni jungwon .. ininvite tayo ni mr. yang sa bahay nila para dun pag usapan yung para sa engagement party nyo" pag e-explain ni dad

" kelan ba tayo pupunta dun sa kanila dad?"

" monday , next week anak .. dinner time naman yon kaya makakapag ayos kapa after school " hayy anlayo pa naman ng bahay nila Jungwon ..

" sige pa .. ano paba magagawa ko diba ?" malungkot kong sabi .. niyakap naman ako ni dad

" jungwon is a nice guy naman diba anak ? kaya alam kong magiging masaya ka sa piling nya "

" oo naman dad .. pero hindi ba masyadong maaga para kami magpakasal ? 18 palang kami pareho " pagdadahilan ko sa kanya ..

(A/N: ginawa ko silang 18 para pwede silang ikasal hehe )

" para naman to sa ikabubuti ng buhay mo anak"

"hmmm okay ? " tanging sagot ko kang sa kanya

" anak baka naghihintay na sayo si Ni-ki?"  ah oo nga pala si Ni-ki .. 9 am kami dapat magkikita , pero 10 na pala

" hala dad .. late na ako .. 10 na ! alis na ako " nagmamadali akong humalik sa pisngi nito tsaka umalis na

" ingat ka anak !" sigaw nya na di kona sinagot pa

bubuksan kona sana yung pinto ng bahay namin nang binuksan ni jungwon ang pinto mula sa labas..

" ay kalabaw ! ano ba yan jungwon aatakihin ako sa puso nyan dahil sayo " napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat

" soryy hehe .."

" wag kang magpa cute dyan .. tabi ka muna at nagmamadali ako " tinabig ko ang kamay nyang nakahawak parin sa door knob ng pinto

" wait ! where are you going ?" tanong nya naman sa akin

" I'm meeting Ni-ki kaya dyan kana mala-late na ako " nagmamadali akong lumabas

" sasama ako" paghabol nya sakin

" ay sasama ka because ?"

" kase sasama ako ?" luhh pilosopo

" ahh hindi pwede .. amin lang dapat ang araw na to wag ka nang makisawsaw .. bawal third wheel don " patuloy parin ako sa paglalakad papuntang gate

" sige  na sama ako .. pagda-drive ba rin kita .. sige na celine " pagmamakaawa  nya.. napahinto naman ako

" bakit ba gusto mong sumama ha?"

" because I want to be with you "

" ay sanaol .. pero walang sasapaw ha .. araw namin to .. mgiging third wheel ka " tumango naman sya

" so pwede na akong sumama?"

" oo na .. nagmamadali na rin ko kaya kailangan ko yung sasakyan mo haha "

" yes ! " patalon-talon naman syang pumunta sa sasakyan nyang naka park sa labas ng gate

"hoy wag ka nang tumalon-talon dyan .. nagmamadali tayo baka mamatay na sa gutom yung si Ni-ki "  binilisan din naman nya ang pagpasok sa sasakyan at pinaandar agad .

tinext ko naman agad si Ni-ki na papunta na ako  pero di sya nag re-reply

---
🐑
---

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon