CHAPTER 46

1.9K 95 20
                                    

COLEEN'S POV

"Mabuti naman kinausap mo na siya" bulong saakin ni Ate Brei pero 'di ko nalang ito sinagot

Nandito kami sa Mall while wearing our uniform pa together with Gabb and Chase, double-date raw. Confirm, magjowa na sila.

"Rupok mo naman, akala ko ba 'di mo kakausapin ng isang linggo?" Pangaasar niya kaya kinurot ko siya ng slight

"Saan niyo gustong kumain?" Biglang tumigil si Gabb kaya napahinto kaming lahat

"Kayo ba ni Coleen? Sabit lang naman kami neto e" Ate Brei answered

"Samgyup or nah?" She asked "Ano Coleen?"

"Sige, dun nalang" i said at naglakad papunta sa restaurant

Pagkatapos naming makahanap ng pwesto ay kaagad na ring nag-order si Gabb ng kung ano-ano diyan.

"Chase, umitim ba ako?" tanong ni Ate Brei

"Kahit naman umitim at pumangit ka pa, ikaw lang nandito" he said pagkatapos ay itinuro ang kaniyang puso sabay ngiti

Kadiri ampota.

"Siguraduhan mo lang, bugbog sarado ka sa'min ng mga Ate" pagbabanta ka rito

"Totoo naman e" he said "she's the light in my darkest night"

Kadiri ampota (2)

"And you're my darkest secret to my Dad" biro ni Ate Brei kaya sumimangot naman 'tong mokong na 'to.

Hindi pa kasi sila legal.

"Tama na yan, gutom na ako" singit ni Gabrielle.

"Ayan oh si Coleen, you can eat her now if you want" Wika ni Ate Brei kaya sinamaan ko 'to ng tingin

"Cannibalism?" Maang-maangan in Gabb

Putragis ka Gabb.

"Wala, kumain ka na nga lang." wika ni Ate Brei so we started to eat na.

Tahimik naman kaming kumakain dahil gutom kami until Gabb started asking some questions sa dalawa.

"So sino nagfirstmove sainyo? I mean, sinong umamin?" Tanong niya kina Ate Brei

"Ako, pakipot pa nga siya e kinikilig naman" sambit ni Chase

"Anong kinikilig ka diyan, ikaw nga yung nagbablush nung umamin rin ako e" sagot naman ni Ate Brei

"Atleast alam mo na kinikilig talaga ako" Chase answered

"Oo nga naman Ate Brei, he has a point rin" i said

"O' sige magkampihan kayong dalawa. Tara na Gabb, tayo nalang" biro niya tsaka akma na niya sanang hahawakan ang braso ni Gabb pero inunahan ko na ito

"No, shuu! Diyan ka kay Chase mo, maspogi Gabb ko" i said then smirked

Totoo naman ee.

"Coleen naman, huwag mo naman sanang ipamukha saakin na maspogi pa sa'kin ang babae" nakasimangot na sabi ni Chase

"Alam mo Chase? Hindi kita iiwan kahit maspogi 'tong Gabb na 'to kesa sa'yo" Ate Brei said

Kadiri ampota (3)

"Hindi ko alam kung kikiligin ako o magagalit e" biro ni Chase

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon