Chapter 7

347 34 11
                                    

(Mew)

Nagising ako nang may kung ano na nakadagan sakin.

Minulat ko ang mata ko at nakita kong nakayakap sakin si Gulf at nakaupo sa hita ko habang ako naman ay nakahilig sa sofa.

Naalala ko ang ginawa kong paghalik sa kanya. Gising rin ako nung pinupunasan niya ako, natatakot lang akong imulat ang mga mata ko at baka nabigla siya sa paghalik ko at bigla akong layuan.

Gumalaw ako ng konti para ayusin ang pwesto namin dahil mahuhulog na siya.

Umayos ako ng upo habang nasa mga hita ko pa rin siya.

Nang makaayos kami ng upo ay mas hinigpitan naman niya ang pagyakap sakin na siyang ikinatawa ko.

"HAHAHAH you're literally a baby" mahinang usal ko at hinagod ang kanyang mga buhok.

Kahapon akala ko talaga natakot ko siya, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko dahil nasagad na ni Art ang pasensya ko.

Magpasalamat talaga siya at may kailangan ako sa kanila ngayon kaya hindi ko pa sila pwede kantiin.

May araw din sila sakin.

Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha.

Naalala ko lang kung pa'no ko siya nakilala...






"Mew, ilang beses ko bang sasabihin sayo na kapag sinabi ko na gawin mo, gawin mo! Huwag na huwag mo akong kinokontra. Alam mo na ang ayaw ko sa lahat ay ang sinusuway ako!" Galit na sabi sakin ni Dad.

Dad??...ama ko nga ba siya? Tch walang kwentang ama.

Hindi na ako nakinig sa sinasabi niya at nanahimik nalang. Alam ko na ang susunod na mangyayari.

"WALA KANG SILBIIII, INUTIL" malakas na sigaw niya sabay hampas sakin ng latigo.

Hindi ako gumalaw, maskit...namanhid ang katawan ko pero sanay na ako.

Sanay na sanay na ako dahil paulit-ulit na lang itong nangyayari.

Hinampas niya lang nang himpas ang likod ko.

Tumigil siya nang nagsawa na siya.

Humarap ako sa kanya na WALANG pinapakitang emosyon.

"Tapos ka na ba? Kung tapos ka na aalis na ako"  matapang na sabi ko at walang salitang tinalikuran siya.

Ganyan na siya dati pa. Lagi akong sinasaktan sa tuwing sinusuway ko ang mga gusto niya.

Sino ba naman kase ang susunod sa utos niya!

Barilin sa ulo ang taong wala namang kasalanan? Seriously!!!

Nahihibang na siya.

Bata pa lang ako, pinahawak niya na ako ng baril at pinipilit na gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang bata.

Labag man sa loob ko, gusto ko mang tumanggi pero wala akong magawa dahil bata lang ako.

Sa tuwing may mga tauhan siyang pumapalya, ako lagi ang inuutusan niyang saktan ang mga ito.

Pinaghahawak niya ako ng kung ano anong matatalim na bagay, at saka ako pipilitin na pahirapan ang mga ito.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now