♦️16

2.4K 32 8
                                    

That One Night
Chapter 16


"This world are full of great pretenders."

🌹 NINIANA VELAROZA

Nanlalaki ang mga mata namin ni Kuya Rat sa nasaksihan naming ginawang pagyakap ni Pierre kay Mice.

"Bitawan mo siya!" Kaagad na bulyaw ni Kuya kay Pierre.

Ako naman ay naguguluhan na sa kung ano ang iisipin at gagawin. Patuloy lamang na niyayakap ni Pierre si Mice.

"Who are you?! Let me go!" Nagpupumiglas na si Mice.

"Sabi ng bitawan mo ang kapatid ko!" Hinala ni Kuya si Mice mula kay Pierre. Napatago sa likuran ni Kuya si Mice.

"Kiana, ako ito! Hindi mo ako natatandaan? Ako ito!" Pilit siya nilalapitan ni Pierre pero lumalayo lang si Mice.

"Pierre!" Tawag ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin.

"Si Kiana, siya si Kiana! Matagal ko na siyang hinahanap." Lumuha niyang sambit.

"Pierre, huminahon ka, siya si Mice. Kapatid ko siya." Sabi ko sa kanya.

Umiling-iling siya. "Hindi! Si Kiana siya. Hindi ako nagkakamali! Si Kiana siya!!!"

Napalunok ako dahil parang sa isang iglap ay tila ibang tao ang kaharap ko.

"Hindi nga sabi si Mice si Kiana! Paki tawag nga ang nga guards!" Utos ni Kuya Rat kila Manang.

Nilapitan ko si Pierre at pilit na pinapahinahon.

"Baka kamukha lang niya Pierre. Please, kumalma ka." Pakiusap ko sa kanya.

Napatingin ako kay Mice na siyang naghahalo na ang takot at pagtataka sa kanya.

"Umakyat ka na sa itaas Mice, kami na bahala rito ni Niniana." Utos ni Kuya Rat rito.

Sumunod naman si Mice at sinimulan na niyang umakyat. Kaso nung nasa kalahating paakyat na si Mice ay bigla siyang pinuntahan ni Pierre maski ako ay nagulantang sa mga sumunod na pangyayari.

Nagpupumiglas lang si Mice habang nasa hagdan pa sila.

"Pierre ano ba!" Sigaw ko na sa kanya.

"What the hell!" Sigaw naman ni Kuya.

Nang patungo na kami sa kanila ay sa patuloy na pagtulak ni Mice sa kanya ay na nadulas siya sa isang baitang ng hagdan. Tuluyan siyang nahulog.

"Miceeeee!" Sigaw ko.

Kaagad siyang dinaluhan ni Kuya Rat. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dugo sa noo niya na siyang kinawalan niya ng malay.

Nang mapatingin ako kay Pierre ay para siyang naghihina sa mga nasaksihan niya.

"Hindi ko sinasadya... Hindi..." Dadaluhan niya rin sana si Mice pero ako na ang pumigil sa kanya.

"Parang awa mo na, baka mapatay ka ni Kuya. Wag mo na siya lapitan." Pakiusap ko sa kanya.

Masasamang tingin ang ipinukaw sa kanya ni Kuya Rat. Binuhat nito si Mice at mabilis na itinakbo palabas.

"Sumunod ka na lamang sa hospital Niniana!" Pahabol na sabi niya bago tuluyang lumabas.

Muli kong hinarap si Pierre.

"Hindi na tayo pupunta sa party." Sabi ko kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Naiintindihan ko... Sorry if i can't control myself...I really thought it's her..." Nangungusap ngayon ang mga mata niya.

Napakunot noo ako. Bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon kompara kanina na halos hindi siya mapakalma.

That One NightWhere stories live. Discover now