Chapter 32

33.3K 913 706
                                    

Chapter 32

Reasons

I went back to the clinic, wet. I pushed the door of Kenzie's room as I leaned on it. My hands were covering my mouth while I was crying.

I couldn't believe I did it. I couldn't believe I hurt the man I ever loved and wanted to keep so much. Looking back how pained he was as well... it's fucking breaking my heart into tiny bits.

Napahilamos ako at kinalma ang sarili pero hindi ko magawa. Kenzie is still sleeping. Napasadahan ko ang puting bandage sa kanyang palapulsuhan. It's kinda telling me I was right turning my back on Zoren. I was regretting I hurt him, but Kenzie's cut was telling me my decision was right.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging malakas, o hanggang kailan ako magpapanggap na kaya ko pa. But one thing is for sure, I have to be alright for my sister.

"Always check on her, Kelly. I am just one call away. You can always talk to me..."

I smiled. Mom was supposed to be telling me this, pero wala, e. Iniwan na kami. Nang ganoon kadali. Na para kaming kuting, na hindi na kailangan ang presensya ng isang ina. At ayon, naghanap ng iba.

I hugged Tita. "Thank you, po. I'll just drop the cash---"

"Hindi na! My gosh, Kelly, parang hindi ko naman kayo inaanak..." she said and I chuckled. Sinilip niya pa si Kenzie sa kabilang bintana ng aking sasakyan.

"Hi! Gaya ng sabi ni Mommy, kung kailangan niyo ng tulong, we're just here..." si Weya at lumapit pa sa akin.

I smiled and nodded, medyo nahihiya pa.

"Thank you, Weya..."

Natawa ako nang abutan niya ako ng tatlong box ng concealer with high brand. She laughed with me. Umalis na rin kami matapos magpaalam ulit.

"Kenzie..." nagbabanta ang boses ko pagdating namin sa bahay. Papasok na siya sa kanyang kwarto.

"I won't do it again! Gusto mo tabi pa tayo sa higaan mo?" she asked.

"I'd prefer that. Ako na ang mag-aayos ng kwarto mo. Diyan ka na muna sa kama ko magpahinga..."

She sighed with her tired face and nodded. Pasara na ang pinto nang bumaling siya sa akin.

"Take a rest, too... I'm fine now."

I smiled and watched the door close our gap. Sa totoo lang, natatakot pa rin ako na baka ulitin niya iyon, kaso nakapag-usap naman na kami nang masinsinan. I cried in front of her and she said she was guilty for adding another problem in my head.

Nasa sala ako at naglilinis. Kung ano anong paglilinis ang ginagawa ko, umaasa na makalimot pero dinadala pa rin ako ng isip ko sa mga problema ko. Naupo ako sa sofa at doon sumandal.

Tahimik ang bahay, it felt so empty. Dalawa lang kami ni Kenzie at ang sakit sakit. Parang ang dali lang naming iwan. Parang wala kaming halaga para sa kanila.

Si Daddy, uuwi pa ba? Kailan? Kailangan namin siya ngayon. Alam niya na kayang umalis na si Mommy? Are they still talking with each other?

Si Mommy? Is she happy that finally she's already with her new found family? Masaya ba siya na iwan kami? Is she already out of the country o paalis pa lang?

Fuck, I want to know the details. Kasi kahit nasasaktan ako, uhaw na uhaw pa rin ako sa atensyon at aruga. I am just eighteen, and I am still tender for all of these. Not because Inam already eighteen, I should be carrying all these now...

I tried to cook instead of catering to my thoughts, but it was a mess. Sa huli ay nag order na lang ako through online.

Kenzie was getting better, and I know she's trying to be better for me as well. Dalawa lang kami ngayon, sino pa ba ang dapat na magtulungan? Kami lang namang dalawa.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon