CHAPTER 33

362K 18K 21.4K
                                    


CHAPTER 33

PUMASOK SI Rhumzell at sinalubong ako. Hinawakan niya ang parehong pisngi ko saka tiningnan nang deretso.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Masyado akong binalot ng takot na hindi ko nagawang magsalita agad.

"Nagulat ako pero ayos lang ako, Rhumzelle,"nagbaba ako ng tingin.

Hindi niya binitiwan ang mukha ko. "I'm so sorry, Dainty." Muli siyang lumingon sa labas. Sa bilis ng paghinga ni Rhumzell, mukhang gano'n na lang katindi ang pag-aalala niya.

"Dapat hindi ka lumalabas nang gano'n, Rhumzell."Kunot-noo kong sabi matapos maalala ang ginawa niya. Sa isang iglap kasi ay kaharap niya na ang lalaking 'yon.

Muli kong inalala ang lalaki at napalingon din sa labas. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na siya sa Palawan. Iba man sa suot niya, sigurado akong siya 'yong kasama ni Kuya Montrell na lumapit sa akin noon. Na hindi ko maintindihan kung bakit parang naiinis si Maxrill sa kanila.

"Umuwi na tayo," bigla ay yaya ni Rhumzell.

Nanghihinayang kong nilingon ang in-order namin na mukhang nakuha niya. Natawa siya at kinuha ang pareho naming drinks.

"Iuwi na lang natin," aniyang iniabot ang drinks ko.

Pina-take out ni Rhumzell ang banana split. Pero dahil matutunaw ang ice cream niyon, napilitan akong kainin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Hawak ni Rhumzell ang bag ko at drinks namin pero nagawa niya pa rin akong alalayan papasakay sa kotse. Inilagay niya sa lalagyan ang drinks namin na siyang nasa aming gitna.

Ngumiti siya sandali sa 'kin bago lumigid at sumakay sa sasakyan. "Let's go?" minsan pa siyang ngumiti habang nagsusuot ng seatbelt.

"Tara na," gumanti ako ng ngiti.

Binuhay niya ang makina ngunit sabay niyon ay malakas na pagdamba sa katabi kong bintana na sa sobrang lakas ay napatili ako! Natapon ko ang pagkain nang dahil do'n.

Sabay kaming lumingon ni Rhumzell sa bintana! Awtomatiko akong naluha nang makita ang tumatawang mukha ng ginoo na siya ring gumulat sa akin kanina! Napaatras ako sa takot, gumawa nang ingay sa sobrang kaba at takot sa kaniya.

"Siraulo 'to, ah!" nagmamadaling hinubad ni Rhumzell ang seatbelt niya ngunit gano'n kabilis ko rin siyang pinigilan.

"Please, 'wag kang bababa!" naiiyak nang pakiusap ko.

Nagugulat akong tiningnan ni Rhumzell, naghalo ang pag-aalala at galit sa mukha niya. Nag-aalinlangan siyang pakinggan ako, nakahawak na ang kamay niya sa pinto at handa nang bumaba talaga.

Kabado at naluluha man ay nilingon ko ang bintana sa tabi ko pero gano'n na kaseryoso ang lalaking 'yon. Tutok na tutok sa 'kin ang paningin niya dahilan para lalo akong matakot. Para bang hindi niya lang sinusuri ang kabuuan ko, tila may nakikita pa siyang iba sa 'kin bukod do'n. Wala siyang ibang idinulot sa 'kin kung hindi kilabat.

"Moon!" malakas na sinabi ng ginoo saka muling hinampas ang salamin dahilan para mapatalon uli ako sa gulat!

"Fuck!" asik ni Rhumzell saka dali-daling binuksan ang pinto ngunit hinabol ko siya at muling pinigilan.

"Pakiusap, Rhumzell," napahagulgol na ako sa iyak. "N-Natatakot ako, huwag kang bumaba, baka kung ano ang mangyari sa 'yo. Umalis na tayo rito." Magkakasunod na pumatak ang luha ko.

"Fuck you!" dinuro ni Rhumzell ang ginoo at saka pinaandar papalayo ang kaniyang sasakyan. Galit na galit siya, panay ang sulyap sa mga salamin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon