Kabanata 6

3K 127 54
                                    

"Kung ang huli ay ending... ang ibig sabihin, ang simula ay beginning?"

"Hindi ko knows, pre. Baka gano'n na nga,"

Napahilot na lang ako sa sentido habang pinapakinggan ang walang kwentang usapan ng kanto teens. Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa usual spot nila, sa mismong harap ng tindahan no'ng kapatid ni Aling Marites.

Hindi ko ginustong tumambay kasama sila, pero wala kasi akong choice. Dapat ay pupunta ako kina Trisha kaso wala naman pala siya sa bahay nila. Si Reyster naman ay hindi pa nakakauwi. Nasa klase pa ito at baka mamayang gabi pa kami magkasama dahil kailangan pa n'yang magbyahe ng halos isang oras pabalik dito sa Lucban.

Umalis ako ng bahay dahil mainit na naman ang ulo ni Eunice. Kung anu-ano na naman ang pinagpuputak n'ya habang si Albert naman nagpapatugtog nang napakalakas at halos ay dumagundong na ang bahay namin kaya hindi ako makapag-concentrate sa ni-re-review ko kanina.

"Ang buhay naman kasi parang life lang 'yan, eh. Minsan madali, minsan naman easy lang. Minsan mahirap, minsan ay hard..." seryosong saad ng pinsan kong kupal na si Jolo na sinang-ayunan naman ng tatlo pa niyang siraulo at uto-utong kaibigan. Para bang ang narinig nila ay isang napaka-inspiring na testimonya na talagang maiisipan mong magbagong buhay kapag narinig mo 'yon.

"Nyemas, anong sinasabi n'yo?" naguguluhan kong tanong, palipat-lipat ang tingin sa kanilang lahat.

Nagtawanan ang tatlong lalaking nakaupo sa harapan ko. Iyong lalaking may kulay mais na buhok ay si Javien—siya 'yong palaging kulang na lang ay mawasak ang labi sa sobrang lawak ng ngiti. Iyong katabi naman n'ya ay si Enzo—siya 'yong medyo may pagka-masungit at snob sa kanilang magkakaibigan. Si Diego naman ang pinakabunso sa kanila, kumpara roon sa tatlo ay siya ang pinakatahimik at tanging tawa lang minsan ang ambag.

Sa unang tingin ay hindi mo mahahalatang mga tambay lang sila. Siguro ay kagaya ni Jolo, mayroon din silang kani-kaniyang dahilan kung ba't sila natigil sa pag-aaral. They are all dashingly handsome. No doubt. Palagi silang nakakaagaw atensyon pagdating sa mga babae kahit na mga isa't kalahating tarantado silang lahat.

Umusog papalapit sa tabi ko si Jolo at nakangisi akong inakbayan.

"Sinasabi ko naman kasi sa 'yo cousin of the world, palagi kang tumambay dito kasama namin. Hindi ka magsisisi dahil marami kang mapupulot na words of wishdom..." he said like it's something to be proud of.

"Wisdom," pagtatama ko. Inirapan n'ya lang ako at ikinumpas ang kamay.

"Wishdom, wisdom, kahit ano pa 'yan wala akong pakialam! Basta ang mahalaga ay importante!" depensa n'ya at nagtawanan na naman silang magkakaibigan.

Nag-aagaw na ang linawag at dilim nang makatanggap ako ng text mula kay Reyster na nakauwi na siya sa bahay. Magbibihis lang daw muna siya bago pumunta sa amin dahil as usual, wala na naman ang Mommy n'ya. Siguro'y kasama na naman ang mga amiga.

Habang nagpapaalam ako kina Jolo ay may tumigil na kulay itim na motor sa harapan namin. Nagulat ako't napaatras. Nang alisin ng lalaki ang suot n'yang helmet ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Akala ko kung sino... delivery boy lang pala. Base sa suot nitong orange na t-shirt ay nagmula ito sa Lazada.

"Puwede ho ba akong magtanong?" tanong nito sa amin.

"Nagtatanong ka na, eh," pabalang ngunit natatawang na sagot ni Javien kaya naman pinandilatan ko siya ng mga mata. Agad naman itong tumikhim at tumuwid ng tayo.

"Ano ba 'yon?" tugon naman ni Jolo, nakataas ang kilay.

"Kilala n'yo ba si Teresa Manlapat?"

"Ah si Teresa!" Kanto teens said in unison, nodding their head.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon